Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark Herras dinagsa ng trabaho kapalit ng sangkatutak na hater

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAGPAPASALAMAT si Mark Herras sa mga hater dahil dumami ang trabaho niya simula nang mag-trending at batuhin siya ng kung ano-anong issue. Ito ay may kinalaman sa pagsasayaw niya sa isang gay bar at pag-uugnay kay Jojo Mendrez.

Nakausap namin si Mark sa Half Time with Teacher Stella and Sen Koko Kokote Basketball Challenge sa Kalumpang, Marikina noong Sabado ng hapon at naibahagi nga nito ang dagsang trabaho simula nang dagsain siya ng bashers at haters.

I’m doing two movies now with Netflix tapos may upcoming soap din ako with GMA tapos I’m busy doing mga raket sa labas,” pagbabalita sa amin ni Mark bago magsimula ang kanilang laban sa Team Bagong Marikina versus sa kanilang mga challenger na celebrity.

Oo parang naging stepping stone,” natatawang sinabi ni Mark.

Feeling ko ang generation kasi ngayon feeling nila matatalo ako ng mga intriga, ng mga issue. Twenty one years na po ako sa showbiz so, hindi na po ako naaapektuhan. Pero thankful ako with them kasi trending ako. Madalas akong mag-trending,” wika pa ni Mark.

Paglilinaw ni Mark sa mga kinasangkutan niyang issue, “hindi ko naman siya sinasadya. Hindi ko ‘yun goal. Ang goal ko talaga is pagta-trabaho talaga. Medyo makitid lang ang utak ng ibang tao eh.”

At kahit kabi-kabila ang negative issue na ibinabato sa kanya ikinasisiya ni Mark na marami pa rina ng nagtitiwala sa kanila. Tulad na nga ng isang school na naimbitahan siya para magsalita sa isang symposium.

They trusted me to be their guest speaker, mukha namang may napulot sila sa mga nasabi ko,” nakangiting sabi pa ni Mark.

At muli nilinaw ni Mark na friends lang sila ni Jojo na tiyak marami pa rin ang hindi maniniwala sa tinuran niya. 

Sinabi ni Mark na aktibo siya sa mga celebrity basketball na sumusuporta sa mga kaibigang tatakbo sa darating na halalan sa Mayo. 

Ukol naman kay Rainier Castillo na iniuugnay din kay Jojo, nilinaw ni Mark na magkaibigan sila at hindi totoong may tampuhan sila. 

Walang issue sa amin ni Rainier, friends kami. Kasi ang mga tao lang talaga ang gumagawa ng issue,” nangingiting sabi ni Mark. “Kung sino man nagsasabi o gumagawa ng issue na may away kami sira ulo ‘yun,” dagdag pa.

Ang Netflix movie na tinutukoy ni Mark ay pagsasamahan nila nina Carlo Aquino at Cristine Reyes at ang ikalawa ay under Blvck Entertainment  with Baron Geisler and Beauty Gonzales

Kasamang naglaro ni Mark sa Marikina sa kanilang grupong tinawag na Challenger sina Christopher Roxas, Arcie Alemania, Matt Evans, Eric Fructuoso, Jason GAiza, Gerard Acao, James Yap, atPaul Artadi. Si Monshie Kat naman ang kanilang muse. Pinangunahan naman ni Teacher Stella Quimbo ang Team Bagong Mariki1na kasama sina  Kon Jasper So, Kon Carl Africa, Kon Rommel Acuna, Kon VJ Sabiniano, Kon Bruce Fortuno, Kon Medick Ferrer, at VM Del De Guzman. Si Ate Ces Reyes naman ang kanilang muse.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …