Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Little League Series
ANG Lawaan baseball team sa pamumuno ni Mr. Ravi Parker Inciso.

Lawaan giniba Agoncilo, arya sa Little League Series Finals

GINAPI ng umuusbong na baseball power na Lawaan, Eastern Samar ang Agoncillo, Batangas, 3-1 para makaabante sa championship match sa Little League Philippine Series (Junior division) sa Kamagsangkay Culture and Sports Complex sa Pambujan, Northern Samar.

Galing sa makasaysayang swept sa Group A elimination, ipinakita ng mga Lawaan batters ang determinasyon sa kaagahan ng laro bago sinalya ang Agoncillo sa matibay na depensa sa final frame para makuha ng Parker Inciso-managed squad ang panalo.

Haharapin ng Lawaan ang matikas na Tanauan, Batangas sa do-or-tie titular match.

“Victory secured—now, we set our sights on the championship,” pahayag ni Inciso.

Naglalaro sa ilalim ng Samahang Beysbol-Softball ng Lawaan (SBBL),impresibo ang Lawaan sa  elimination round kung saan winalis nila ang Group stage via mercy-rule laban sa Maguindanao, 18-0; Davao City (15-10) at host Northern Samar, 14-3. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …