MATABIL
ni John Fontanilla
KAHIT abalang-abala ang mahusay na singer na si Jos Garcia sa kanyang singing stint sa mga sikat na hotels sa Japan ay may bago itong awitin para sa kanyang mga tagahanga.
Ayon sa manager niyang si Atty. Patrick Famillaran, inirerecord na ni Jos sa Japan ang kanyang new song na mula sa komposisyon ni Rey Valera.
“For release na po… ‘yung song na ginawa ni Rey Valera na Iiwan na Kita’ ang title.
“Napakaganda ng song, at ‘pag naayos na namin ‘yung schedules ni Jos sa Japan ay uuwi ulit siya ng Pilipinas ngayong taon para i-promote ‘yung song.”
Miss na miss na nga ni Jos na umuwi ng Pilipinas para mag-perform sa kanyang mga kababayang Pinoy.
Bukod sa promotion ng kanyang new song ay magiging abala rin siya sa promotion ng kanyang ineendosong Cleaning Mama’s ng Natasha.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com