SUMAKABILANG-BUHAY na ang ama ng aktres na si Angel Locsin, si G Angelo M Colmenares sa edad 98.
Kinompirma ng pamilya ng aktres ang pagpanaw ng ama, ayon sa mga ulat ngayong Huwebes, Marso 6, 2025.
Wala pang ibang inilabas na detalye ukol sa dahilan ng pagkamatay ng ama ni Angel.
Humihingi ng privacy ang mga naiwang pamilya ni G Angelo at pinasalamatan ang lahat ng nagpaabot ng pakikiramay.
Sa Facebook page ni Angel, pinalitan nito ang profile picture na nakayakap siya sa kanyang ama. Caption ng aktres, “We love you, Daddy Angel. Forever in our hearts.”
Mula sa pamunuan ng Hataw, ang aming pakikiramay.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com