Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AKO-OFW partylist

Mas malaking OFW remittances, kinakailangan ng bansa para makabawi sa lumalabas na perang puhunan mula sa foreign investors — AKO-OFW

Iginiit ng AKO—OFW partylist na mas kinakailangan ng bansa ang OFW remittances sa kabila ng paglabas ng perang puhunan ng mga foreign investors sa bansa.

Ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas ay patuloy ang paglabas ng Foregn Capital sa ating bansa simula pa noong Enero na umaabot na sa $283.69 milyon.

Kung kaya, nakikita naman ni AKOOFW Partylist 1st nominee Dr.Chie Umandap ang kahalagahan ng paglago ng OFW Remitances para matapatan ang paglabas ng dolyar ng mga foreign investors.

Ang “OFW remittances” ay ang perang ipinapadala ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa kanilang mga pamilya o mahal sa buhay sa Pilipinas.

Ayon kay 1st nominee at AKO- OFW chairman Dr. Chie Umandap na dati ring overseas filipino worker sa Kuwait, malaki ang papel ng mga overseas filipino worker (OFW) sa pagpapalago ng ating ekonomiya.

Kung kaya dapat lamang na mabigyan sila ng pamahalaan ng kaaya-ayang benepisyo tulad ng OFW-Pension plan, OFW-Discount, OFW-Pabahay at marami pang iba.

Binigyang diin ni Dr. Umandap, na hindi sapat na bansagan lamang ng gobyerno na “Bagong Bayani” ang mga OFW bagkus dapat ay ipadama sa kanila ang tunay na malasakit hindi lamang tuwing may namamatay at nagte-trending na mga kaso at pangaabuso sa mga OFW.

Dapat aniya na maramdaman din ng mga OFW na hindi namaltrato o namatay ang tunay na pagma-malasakit ng ating gobyerno kung hindi ano ba ang buhay na naghihintay sa kanila matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa datos ng BSP ang gross inflows ay lumago ng 6.8% o $1.31 bilyon noong Enero mula sa $1.24 bilyon sa parehong buwan noong 2024. Mas mataas ito ng 25% kaysa sa $1.06 bilyon noong Disyembre 2024.

Samantala, ang remittances naman mula Enero hanggang Nobyembre 2024 ay umabot sa $34.61 bilyon o katumbas ng P1.83 trillion

na nagpapakita ng 3.0% pagtaas kumpara sa $33.59 bilyon o katumbas ng P1.79 trillion na naitala noong parehong panahon noong 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …