Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Khalil Ramos Romnick Sarmenta Xander Nuda

Khalil  Ramos nagbabalik sa big screen via Olsen’s Day 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANALONG kuwento ng buhay ang hatid ng pelikulang Olsen’s Day na pinagbibidahan nina Khalil Ramos at Romnick Sarmenta na idinirehe ni JP Habac. Isa ito sa mga official entry sa full-length film category ng Puregold CinePanalo Film Festival 2025 na magaganap mula Marso 14-25 sa Gateway Cineplex 18.

Ang pelikula ay ukol sa pagmu-move on at pag-abot sa mga bagay na hindi na kayang mangyari pa. Ito ay tungkol sa pag-aalala sa unang pagkikita sa pag-ibig at pagkawala, pagtuklas ng bagong layunin para mabuhay.

Kasama rin sa pelikula ang batang aktor na si Xander Nuda gayundin sina Sherry Lara, Nour Hooshmand, Che Ramos,at Bodjie Pascua.

Akmang-akma ang kuwento ng Olsen’s Day sa tema tema  ng festival, “Mga Kwentong Panalo ng Buhay.” 

Iikot ang kuwento ukol sa isang 30 year old researcher na nakatagpo ang isang matandang lalaki at anak nito sa isang paglalakbay. Habang kasama ang matandang lalaki, nagkaroon sila ng kakaibang “family” adventure tulad ng maraming stop over, kuwentuhan, pakikinig ng musika, pagkain, at pagtatalo. Hindi namalayan ng stranger na naisa-alang-alagang niya ang kanyang trabaho. Nawawala ang package na dapat niyang dalhin sa Manila. Kaya naman nagdesisyonan iyong bumalik sa ospital na pinagdalhan sa matandang lalaki at anak niyon, sa paniwalang baka nabitbit ng mga iyon ang hinahanap niyang package. Hindi niya alam na ang pagtungo niya sa naturang lugar ang magiging daan para mabuksan o malaman ang isang katotohanan ukol sa kanyang buhay. 

“Hindi kami masyadong close ng tatay ko pero alam naming dalawa sa puso namin na may kakaibang ugnayan kami. Nawala siya noong January 2012. First major heartache ko iyon. Kailangan kong mapuntahan. Kinailangan kong tumakas. Kinailangan kong mag-move on,” kuwento ni Olsen.

Tinatalakay sa Olsen’s Day  ang ugnayan ng pamilya at ugnayang hindi namamatay sa kuwento ng mag-ama na magdadala sa dulo pabalik sa simula. Layunin nitong ibahagi ang kahalagahan ng pamilya, ng paggugol ng oras, at pagsasaya ng mga sandali, at pag-alala kung ano ang mahalaga sa araw-araw.

Isinulat nina JP Habac at Kristin Barrameda, ang Olsen’s Day ay isang Coming-of-Age Comedy-Drama. Ito ang pagbabalik-sa big screen ni Khalil na ang huling pelikulang ginawa ay ang Gomburzanoong 2023 na gumanap bilang si Jose Rizal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …

Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALKni Pilar Mateo NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary.  Aware naman na …

MMFF MMDA

MMDA pinamunuan premiere night ng 8 kalahok sa MMFF 2025  

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang patakarang ngayon sa mga premiere night ng …

Derek Ramsay The Kingdom

The Kingdom gagawing TV series, Derek Ramsay magbibida

I-FLEXni Jun Nardo GAGAWING TV series ang pelikulang The Kingdom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascualna ipinalabas last …