Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNVF Ramon Tats Suzara Christina Frasco PSC Richard Bachmann
TINALAKAY ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara (nakatayo) kasama si Tourism Secretary Christina Frasco (kaliwa) at PSC chairman Richard Bachmann. (PNVF)

Inter-Agency Task Force Meeting para sa FIVB Men’s World Championship

Ang mga Major updates ukol sa pagho-host ng bansa para sa FIVB Volleyball Men’s World Championship Philippines 2025 ay nanguna sa agenda ng ikalawang Inter-Agency Meeting na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Lunes sa GSIS Conference Hall sa Pasay City.

Sumama si Department of Tourism Secretary Christina Frasco kay PSC chairman Richard Bachmann at Philippine National Volleyball Federation president Ramon “Tats” Suzara sa pagbibigay ng briefing sa mga kinatawan mula sa mahigit 20 ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na bumubuo ng Task Force para sa hosting, ayon sa Administrative Order No. 30 mula sa Malacañang.

“Lahat ng sistema ay handa na at maayos ang mga preparasyon,” sabi ni Suzara.

Nagbigay ng buong suporta si Bachmann, na namumuno sa Inter-Agency Task Force, para sa hosting na gaganapin mula Setyembre 12 hanggang 28 sa SM Mall of Asia Arena at Smart Araneta Coliseum.

“Ang buong suporta ng gobyerno ay garantisado para sa makasaysayan at world-class na kaganapang ito,” sabi ni Bachmann.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. at mga Kagawaran ng Trade and Industry, Health, Foreign Affairs, Public Works and Highways, Interior and Local Government, at Information and Communications Technology.

Sumama rin ang mga kinatawan mula sa Metropolitan Manila Development Authority, Commission on Higher Education, Senado ng Pilipinas, PhlPost, Commission on Immigration, Customs, Philippine National Police, National Intelligence Coordinating Committee, Climate Change Commission, at MVP Group, pati na rin ang mga kinatawan mula sa mga lungsod ng Pasay, Manila, Taguig, at Quezon City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …