Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon umaray sa mga fake news laban kay Kiko

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INALMAHAN ni Sharon Cuneta na ang mga naglalabasang fake news tungkol sa asawang si Kiko Pangilinan.

Idinaan ni Sharon ang paglalabas ng saloobin sa pamamagitan ng isang video statement na in-upload sa iMPACT Leadership Facebook page. Hindi na kasi nakatiis si Sharon sa kaliwa’t kanang fake news ukol sa asawang tumatakbo muling senador sa May, 2025 elections.

“Eh, wala hong tigil ang mga tsismis na peke naman tungkol sa kanya lalo ngayon na siya ay tumatakbo ulit para senador.

“Eh, ang lakas po ng impluwensiya ng social media ‘di ho ba? Lalo na ngayon at lalo na kapag nega at may malisya,” ani Sharon.

“Ayon po sa mga social scientists, kapag daw ang isang kasinungalingan o fake news ay paulit-ulit pong ipinagkalat at paulit-ulit ipinakita sa inyo o sa taumbayan, maya-maya po, aba’y, mayroon na pong maniniwala.”

Iginiit pa ni Sharon na lahat ay pawang pekeng balita ang ibinabato kay Kiko. 

Aniya, isang mabuting asawa at ama si Kiko at napatunayan niya ito sa mahigit tatlong dekada nilang pagsasama.

“Kapag siya po ay nangako talaga pong harangan man ng sibat kailangang tuparin niya. Ganoon po siya sa amin. Nagawa na niya at gagawin po niya ulit,” pahayag pa ni Sharon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …