Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras Jojo Mendrez

Mark nagsalita na sa pag-uugnay sa kanila ni Jojo Mendrez

SA wakas sinagot na ni Mark Herras ang pag-uugnay sa kanila ng tinaguriang Revival King, si Jojo Mendrez.

Sa panayam ni MJ Marfori ng TV5, sinagot ni Mark ang mga ibinabato sa kanya tulad ng pag-uugnay kay Jojo.

Anang aktor, “Baka kasi nakakalimutan nila na I was raised by gay parents. So, kumbaga, kung sa kanila parang malaswa, sa akin hindi siya masamang tingnan kasi pinalaki ako ng gay parents.

“So, magaling at malaki ang respeto ko sa mga kapwa LGBTQ,” esplika ng aktor.

Nagpapasalamat si Mark sa mga isyung ibinabato sa kanya, kabilang na ang pagkuwestiyon sa pagsasayaw niya sa gay bar.

“‘Yung mga tao na parang nagpapalaki ng isyu, thank you, ang dami kong trabaho. ‘Yung mga namba-bash. Actually, 21 years na ako sa showbiz. So wala nang epekto sa akin ‘yon (tsismis).

“Kumbaga, kung ako mismo, hindi ko na binabasa or hindi ko na pinanonood ‘yung videos or kung anuman.

“‘Yung asawa ko po ‘yung actually nagbabasa. Sabi ko, ‘Huwag mo nang basahin, huwag ka nang mag-aksaya ng oras,” pahayag pa ni Mark. 

Bago ito’y nagpahayag na rin ng saloobin ang singer-businessman na si Jojo ukol sa napapabalitang pagkakamabutihan daw nila ni Mark matapos silang makitang magkasama sa isang hotel casino.

“No comment. Kasi kahit sabihin kong hindi, walang ganoon (relasyon), iba pa rin ang paniniwalaan nila.

“So, saan ako lalagay? Kasi sa social media, ang mga tao ang daling mag-judge. Kung ano ‘yung nakikita nila, ‘yun na ‘yun.

“Hindi ko naman pwedeng i-explain to everyone, ito ang totoo, ito ang ganyan kaya sabi ko huwag na lang akong mag-comment tungkol diyan. Siguro kung makita n’yo siya, sa kanya n’yo na lang tanungin.

“Kasi sa aking side, ang dami ko nang pinagdaanan, family ko affected, tapos mga kaibigan ko tawag nang tawag sa akin. Pag-open ko ng cellphone ko, mukha ko agad ang makikita sa Google, sa Facebook, sa lahat,” ani Jojo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …