Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang Alessandra Cruz Tokyo Nights

Benz Sangalang tiniyak – Must watch ng mga ma-L ung movie naming Tokyo Nights

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


AMINADO ang hunk actor na si Benz Sangalang na pinaka-daring at pinaka-seksing pelikulang nagawa niya ang ‘Tokyo Nights’ na napapapanood na ngayon sa VMX.

Katambal niya sa Tokyo Nights ang kaakit-akit at hot na hot na si Alessandra Cruz.

Kuwento ni Benz, “Sa totoo lang po, ito ang pinaka-daring kong movie sa lahat. Na kahit walang plaster ay itinutuloy namin ang aming love scene.

“Kasi ayaw ng director namin na nahihinto, like kahit iyong love scene namin sa swimming pool, natanggal na iyong plaster ko, pero tuloy pa rin ang love scene namin. First time ko iyong ganoon, hinahawakan ko na lang.”

Aniya pa, “Ang direktor namin ay si Direk Joey Cruz Manalang at sa Tokyo talaga ang shooting namin dito. Si Direk ay taga-Japan siya, e.

“Sabi nga niya sa akin noong umpisa, frontal sana at walang plaster, aangguluhan niya lang daw. Pero sabi ko, ‘Bawal po sa amin iyon sa Filipinas.'”

Dahil may ilang love scenes na natanggal ang plaster niya, may masisilip bang frontal nudity sa kanya sa pelikulang ito?

Tugon niya, “Wala naman po siguro, pero mayroon talagang mga anggulo na wala akong plaster.

“Dito makikita nila iyong parang ginagawa ni Maria Ozawa, na habang nakahubad ay pinangmamasahe iyong boobs niya, Ginawa po namin iyan dito… nilagyan pa namin ng lubricant para madulas talaga.”

So, daring din dito si Alessandra?

“Yes po, tumodo talaga si Alessandra rito sa pagpapa-sexy, pati na ako. Kaya panigurado na walang mabibitin (sa pampainit) sa pelikula naming ito.”

Pahabol pa ng guwapitong talent ni Jojo Veloso, “Ito sasabihin ko na po nang diretsahan, mas ano ito sa love scene, mas focus kami sa love scene kaysa sa story.

“Ako usually sa mga movie ko, mas iyong sa istorya, more on sa emotions, sa drama (ang focus). Pero rito hindi masyado iyong sa acting at sa story, more on sa birahan (sa sex) talaga ang mapapanood nila sa movie naming ito.

“Kaya sa mga mahihilig talaga sa sex, sa mga ma-L, must watch talaga ang movie naming Tokyo Nights, hahahaha! Hindi nila ito dapat palagpasin!” Nakangiting paniniyak pa ni Benz.

Ang isa pa niyang pelikula ay ang Sabik. na mula sa pamamahala ni Direk Dado Lumibao. Sina Angela Morena at Athena Red ang kasama rito ni Benz at ito ay ikino-consider daw for theatrical release.

“Itong movie naman namin na ito, more on sa story ito at sa drama, hindi sa sex scene na tulad ng sa Tokyo Nights. Kasi si Direk Dado ay hindi naman talaga VMX director, ABS CBN direktor siya, e. more on wholesome siya. Kaya ang focus niya rito ay more on sa drama side, sa story… kaya maipagmamalaki ko talaga. Pinaghirapan namin ito at magagaling ang mga kasama ko rito.”

Nabanggit din ni Benz ang wish niyang mangyari pa sa takbo ng kanyang showbiz career.

Aniya, “Marami pa po, wala pa ako sa kalahati nang gusto kong mangyari e, na parang mas tumaas pa, mas pursigido talaga ako ngayon.

“Lahat naman kasi ng nangyaring ito noong nagsisimula ako, hindi ko naman parang iyong prenedic (predict). Hindi ko naman naisip na aabot ako sa ganito… Parang nararamdaman ko noon na magkakaroon ako ng lead role, pero hindi ko inisip o na-forsee na aabot ako sa ganito. Mahirap din kasi magsalita o mag-predict sa ngayon.

“So, masasabi ko na lang na marami pong aabangan kay Benz Sangalang lalo na this year. Marami akong gustong gawin at patunayan, ito na po ang simula, iyong totoong simula po talaga,” seryosong sambit pa ni Benz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …