NANAWAGAN si Cardinal Luis Antonio Tagle nitong Linggo, 23 Pebrero, sa lahat ng mananampalataya na ipagdasal si Pope Francis na nananatiling nasa kritikal na kondisyon.
Sa kaniyang Homilya sa misang pinangunahan sa kapilya ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma, sinabi ni Cardinal Tagle na mag-alay ng espesyal na panalangin para sa Santo Papa.
Sa ulat mula sa Vatican, wala nang respiratory crisis ang Santo Papa simula noong Sabado ng gabi, ngunit kailangan pa rin niyang tumanggap ng high flows ng supplemental oxygen.
Lumabas din sa ilang mga blood test na mayroong “initial, mild kidney failure” si Pope Francis ngunit ito ay kontrolado, anang mga doktor.
Dating Arsobispo ng Maynila, isa si Cardinal Tagle sa dalawang nangungunang pinagpipiliang maging susunod na Santo Papa, ayon sa ulat ng Catholic Herald.