Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manny Pacquiao Jinkee Pacquiao

Pacquiao sa mga basher ni Jinkee: Hindi kami nagnakaw, pinaghirapan namin 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“HINDI namin ninakaw, pinaghirapan namin.” Ito ang iginiit at nilinaw ng tumatakbong senador para sa 2025 election, Manny Pacman sa mga nangnenega/ namba-bash sa kanila ng asawang si Jinkee at mga anak.

Nag-uugat ang bashing kapag nagpo-post si Jinkee ng mga branded na gamit tulad ng mga sapatos at bag.

Hindi naman siya naaapektuhan niyon (bashing) dahil unang-una, hindi naman namin ninakaw ‘yung pera (na ipinambili ng mga signature item), pinaghirapan naman namin ‘yun.

“Proud kami na sa paghihirap namin, dugo at pawis ang puhunan, eh nakabili kami ng ganoon,” depensa ng boksingero nang ma-ambush interview namin pagkatapos ng press conference ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas noong Martes.

“And maging inspirasyon sana sa mga tao na kailangan nilang magsikap para matupad ‘yung mga pangarap sa buhay,” giit pa ng senatorial candidate ng Alyansa.

Samantala, umaasa si Pacman na manalo muli bilang senador. “I’m hoping na manalo ako at makabalik sa Senado at magawa ko ‘yung mga gusto kong gawin.”

Aniya, gusto niyang gumawa ng batas para magkaroon ng pondo para sa sustainable livelihood para sa mga mahihirap gayundin ang pagpapalakas ng micro, small and medium enterprises na makapagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

May plano rin siya sa entertainment industry pero hindi niya maitago ang pagkabahala  sa nangyayari sa entertainment industry dahil mas tinatangkilik pa ngayon ng mga Pinoy ang mga foreign artist lalo na ang mga Korean star.

“Makita natin sa EDSA, hindi na tagarito ‘yung mga laging ipino-promote natin, taga-ibang bansa na,” ani Pacman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …