Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benhur Abalos Katrina Halili

Benhur Abalos humanga sa galing umiyak ni Katrina

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NA-CHALLENGE pala ng bongga si dating Mandaluyong  mayor at ngayo’y tumatakbong Senador for 2025 elections Benhur Abalos kay Katrina Halili.

Sa pakikipag-usap namin kay Abalos hindi nito itinago ang paghanga kay Katrina na naka-eksena niya sa isang teleserye sa GMA.

Aniya, napakagaling na aktres ni Katrina. “Maya-maya umiiyak na si Katrina. Sabi ko, ‘hindi ako pwedeng magkamali rito.”

Bagamat kadalasang ang role ni Abalos ay as himself napagtanto niyang mahirap ang maging artista lalo na ang mga paghihintay sa set. 

“So, kung minsan, magsisimula ka nng maaga, matatapos ka, madaling-araw na. ‘Buti na lang may Eddie Garcia Law. Malaking bagay ang Eddie Garcia Law,” anang tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Napanood si Abalos sa mga cameo role niya sa GMA teleseryes na Black Rider, Liliet Matias: Attoney At Law, at Mga Batang Riles.

Nang matanong kung itutuloy pa ba niya ang kanyang showbiz career sakaling manalo siyang senador sa darating na eleksiyon, sinabi niyang,  “Tignan natin kung papaano, dahil unang-una, kailangan ko muna talagang manalo, eh.”

Sakaling palaring maging senador, ang unang-una niyang gagawin ay reresolbahin niya ang problema sa pirata ng movie industry. “It should be addressed. If you want the film industry to progress, importante ‘yan. You give incentives and at the same time, hulihin mo ‘yung mga dapat hulihin. ‘Yan ang priority ko talaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …