Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tito Sotto Ely Buendia Ramon Tulfo

Tito Sotto nagpasalamat sa mga papuri nina Ramon Tulfo at Ely Buendia

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NANGITI si Senador Tito Sotto nang kuhanan namin ng reaksiyon ukol sa tinuran kamakailan ni Ely Buendia (ng dating Eraserheads) na sila ng TVJ (Tito, Vic Sotto, Joey De Leon) ay itinuturing nilang mga idolo nila.

Si Ely? Yeah, yeah, we love his music. We support his music, and ‘yung grupo nila noon,” ani Tito Sen sa  ambush interview matapos ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas press conference noong Martes sa Citadines.

Sinasabing ang TVJ ay isa sa mga bayani sa musika.

Oh, thank you so much. Thank you so much. Pero sila ang mga bagong heroes ng entertainment industry, especially the music industry. Sila naman `yon,” wika pa ni Tito Sen  na tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

“The feeling is mutual,” sabi pa ni Tito Sen nang muling igiit namin na itinuturing silang heroes at legend ng musika.

Isa si Tito Sen sa mga tiyak na hindi makakalimutang pangalan sa politics. “Salamat. I hope they’re not only forgotten my name, I hope they’re not forgotten what I have done in the past 24 years in the Senate.”

Bukod kay Ely, isa pa sa nagpahayag ng paghanga kay Tito Sen ay ang dati niyang kaklase, ang sikat na broadkaster at kolumnista, si Ramon Tulfo.

Pinuri ni Ramon sa kanyang Facebook post si Tito Sen sa pagiging matalino at pagiging mabait nito.

Napaka-ismarte rin daw ni Tito Sen at kung ilang beses na-accelerate. Magkaklase sina Tito Sen at Ramon sa Colegio de San Juan de Letran.

Ani Ramon sa kanyang FB post, “Classmate ko Tito sa Colegio de San Juan de Letran. Masyadong matalino si Tito. Siya yung pinakabata na nag-graduate sa class namin dahil dalawang beses siyang na-accelerate sa elementary school. From Grade 2 to Grade 3. From Grade 4 to Grade 5.

Noon pa man ay mabait na siya,” giit pa ni mang Ramon.

Sinagot naman ito ni Tito Sen ng isang pasasalamat. Aniya, “Kababata! Ibang klase rin ang tapang mo noon hanggang ngayon! 🔥 Maraming salamat, Pareng Mon! ”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …