Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lino Cayetano

Direk Lino kinampihan ng korte sa isyu ng residency

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAPOS maglabas ng tila sama ng loob ni direk Lino Cayetano noong Lunes ukol sa hindi nila pagkakaunawaan ng kapatid na si Senator Alan Peter Cayetano kinabukasan ay napalitan naman iyon ng kasiyahan.

Ang dahilan, kinilala ng Korte ang pagiging residente nila ng Unang Distrito ng (Taguig-Pateros).

Isa kasi sa ibinabato kay direk Lino ay ang hindi raw siya legit na naninirahan sa 1st District ng Taguig-Pateros.

Ibinasura pa noon ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon ni direk Lino na ilipat ang kanyang voter registration mula sa congressional District 2 sa District 1 ng lungsod.

Pero agad namang napatunayang legit silang residente ng kanyang asawang si Fille Cayetano sa 1st District ng Taguig-Pateros na  kumakandidato siya bilang kongresista.

Sa paglabas ng desisyon ng korte nagbigay ng saloobin si direk Lino sa pamamagitan ng kanyang socmed acct. “Taguig Court Affirms Residence of Spouses Lino and Fille Cayetano in the First Disttrict of Taguig-Pateros.”

Lubos naming ipinagpapasalamat na kinilala ng Korte ang katotohanang kami ay tunay na residente ng Unang Distrito ng (Taguig-Pateros).

“Malugod naming tinatanggap ang desisyon ng Korte ng Taguig na pinagtitibay ang aming paninirahan sa Barangay Ususan at kinikilala ang aming Karapatan bilang mga lehitimong residente at rehistradong botante ng Unang Distrito ng Taguig-Pateros.

“Ang hatol na ito ay hindi lamang nagtataguyod ng aming constitutional na karapatang bumoto kundi pati na rin ang pangunahing prinsipyo na ang bawa’t mamayan ay may kalayaang pumili ng kanilang tirahan.

“Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa amin kundi para rin sa bawa’t botante na may karapatang lumahok sa demokratikong proseso nang hindi pinagdududahan o ipinagkakalat.

“Kinilala rin ng Comelec ang pagiging lehitimo ng aming kandidaduta na nagsisiguro na ang aking pangalan ay nararapat na kasama sa opisyal na balota.  Isa itong patunay ng aming dedikasyon na maglingkod sa Taguig at pateros nang may integridad at tapat paninindigan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …