Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina Dave Almarinez PeekUp

Ara at Dave inilunsad PeekUp executive ride to and from the airport

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA pala si Ara Mina sa dahilan para magkaroon ng first Pinoy-owned ride-hailing app, ito ang PeekUp. Kaya naman sa tulong ng asawang si Dave Almarinez naisakatuparan ang hiling na ito ng aktres.

Kasi, sabi ko, kaya nating lumaban. I believe na kaya ng Filipino na magkaroon ng sarili nating ride-hailing app,” pagbabahagi ni Ara sa paglulunsad kamakailan ng PeekUp executive ride to and from the airport.

Masayang-masaya si Ara na unti-unti nang nakikilala at pumi-pick up ng PeekUp, ang unang Pinoy ride-hailing app na sinimulan nilang mag-asawa last year.

May 2024 inilunsad nina Dave at Ara ang PeekUp. Wala pang isang taon pero ang laki na agad ng inasenso nito dahil wala rin namang tigil ang mag-asawa sa pagpapaunlad ng kanilang negosyo.

At after a year nga, inilunsad naman nila ang PeekUp executive ride to and from the airport. 

Ipinakita sa amin ni Dave ang naggagandahan at high end na sasakyan na napaka-bongga naman talaga. Biruin mo  bumili pa sila ng mga bagong BMW X5s and X1s para gamiting pangsundo at panghatid sa airport ng mga commuter. O ‘di ba bongga talaga!

Ani Dave, marami ang nagre-request sa kanila lalo ang mga negosyanteng gustong magkaroon ng magandang ride to and from airport.

So, naisip namin, PeekUp will be the first mover, at ‘yung mga negosyante, hindi lang mga local, kundi mga foreign traveler din ang makakaranas ng first class services from PeekUp,” dagdag pa ni Dave.

Nalaman din naming walang extra charge ang mga executive and premium rides at wala ring nangongontrata tulad ng mga karaniwang reklamo sa mga driver sa airport ang kanilang PeekUp.        

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …