Friday , April 4 2025

‘Socialite’ sinupalpal ng gag order ng Makati Court

021525 Hataw Frontpage

HATAW News Team

INISYUHAN ng Makati Regional Trial Court Branch 144 ng gag order si Tessa Prieto Valdes upang mapigilan sa pagpapahayag ng mapanirang statements laban sa ex-girlfriend na si Angel Chua na una na niyang kinasuhan sa Makati Prosecutor’s Office.

Sa isang pahinang order, inutusan ng korte si Prieto na huwag magbigay ng kahit anong komento sa kahit saang public fora na may kaugnayan sa nakabinbin na kaso.

Una nang nagpasaklolo ang kampo ni Chua sa korte at inaprobahan ang inihaing mosyon ni Atty. Alexander Llanes Acain, Jr., na humihiling na magpalabas ng gag order dahil sa paglabag sa sub judice rule ni Prieto.

Sa ilalim ng sub judice rule ay ipinagbabawal ang pagbibigay ng kahit anong komento o statements sa isang nakabinbin na kaso, layon nito na maprotektahan ang integridad ng legal process gayundin ang karapatan ng magkabilang partido.

Sinabing nilabag ni Prieto ang sub judice rule nang magpa-interview ito sa journalist na si Joan Maglipon, at sa nasabing panayam ay inihayag ni Prieto ang mga detalye ukol sa kaso, bukod pa rito, ang nasabing interview ay nalathala sa lahat ng online platform at social media accounts ng Pep.ph.

Sinabi ng korte na mahalaga ang gag order upang matiyak ang “fair and impartial” legal process.

Ikinatuwa ni Chua, mula sa isang prominente at kilalang Chinese family sa Cebu ang ipinalabas na gag order.

“The issuance of the gag order will safeguard me from potential harassment and misinformation propagated by Prieto,” pahayag ni Chua.

Aniya, marami pang mahahalagang isyu na mas mainam pag-usapan imbes ang reklamo laban sa kanya na dapat tinatalakay lang sa korte at hindi sa social media.

“Gag orders could serve as a tool for others to protect themselves from the ‘diarrhea of the mouth’ often displayed in media for self-gain and attention. There are more significant matters for the Filipino people to read about, rather than a circus that should be addressed in its proper venue,” giit ni Chua.

Ayon kay Atty. Acain, legal counsel ni Chua, inaasahan nilang susundin ni Prieto ang ipinalabas na gag order.

“This measure is crucial for ensuring a fair legal process, allowing our client to focus on her case without the distractions of public speculation and outside interference,” pagtatapos ni Acain.

About hataw tabloid

Check Also

Laziz Rustamov Amy Austria Fake Love Tadhana

Int’l model na si Laziz Rustamov napa-inlab si Amy

NAPAKA-SUWERTE naman nitong international model at dating PBB Season 10 Housemate, si Laziz Rustamov dahil nakatrabaho at nakapareha niya …

Willard Cheng

Willard Cheng sasabak sa Agenda ng Bilyonaryo News Channel 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAKAKASAMA na nina Korina Sanchez-Roxas at Pinky Webb ang batikang mamamahayag na si Willard Cheng sa paghahatid …

Chavit Singson Beyond the Call of Duty

JC pinalitan ni Martin; Manong Chavit kompiyansa sa Beyond the Call of Duty  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINALITAN na ni Martin del Rosario si JC de Vera na isa sa magbibida sana …

Kiko Estrada Lumuhod Ka Sa Lupa

Kiko Estrada isinalba ng Lumuhod Ka Sa Lupa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SOBRA-SOBRA ang papasalamat ni Kiko Estrada na dumating ang proyektong Lumuhod Ka Sa Lupa na …

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …