Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jam Ignacio DJ Jellie Aw

Jam Ignacio binugbog daw fiancé na si DJ Jellie Aw;  Ogie Diaz may hamon—harapin mo ito!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GINULANTANG kami ng post ni Ogie Diaz kahapon sa kanyang Facebook account. Ito iyong mga picture ng babaeng bugbog-sarado.

Sa pag-repost ng content creator at host na si Papa O, nalaman naming ang vlogger at influencer na si Jellie Aw ang babaeng duguan at basag ang mukha.

Ani Papa O, “Grabe! Buti na lang, nawalan ng laman ang RFID, kaya nakahingi ng tulong si Ate sa toll gate teller.

“Ayoko namang mag-judge, pero Jam Ignacio, harapin mo ito.  O, doon sa mga women’s rights advocates nating mga tumatakbo diyan, baka pwede n’yong matulungan si ate. Eto na ang right timing na hinihintay n’yo.

Hinamon din ni Papa O ang ex-boyfriend ni Karla Estrada na si Jam Ignacio na harapin ang ginawang pambubugbog umano kay Jellie

Sa Facebook status ng kapatid ni Jellie na si Jo Aw ibinahagi ang matinding sinapit ng kapatid na vlogger at DJ.

Basag ang mukha ni Jellie matapos umanong bugbugin ng kanyang fiancé na si Jam.

Sa FB post ni Jellie ipinakita rin ang mga picture niyang duguan at bugbog-saradong  mukha niya.

Caption ni Jellie, “HAPPY VALENTINES? taena mo Jam Ignacio mapapatay mo ko wala akong ginawang masama para ganituhin moko. Halos mamatay ako sa ginawa mo! papakulong kita!”

Sa post naman ng kapatid ni Jellie na si Jo makikita ang iba pang pictures ng una na halos pikit na ang mata at putok ang bibig dahil sa mga sugat sa mukha.

Caption ni Jo, “BIGLA NA LANG PINAG SASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKALOCK NA SASAKYAN.

“Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay yung ate ko. ang kapal naman ng mukha mo JAM IGNACIO.

“Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo yung cellphone, Buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa TELLER sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo yung mga pulis!

“Wala kang awa!! Demonyo!

“Update po kay ate magpapamedical na kami ngayon !nd magrereport na sa pulis!”

Wala pa namang pahayag si Jam ukol sa pangyayaring ito habang isinusulat namin ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …