Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega Mavy Legaspi

Ashley umamin sa relasyon nila ni Mavy

MA at PA
ni Rommel Placente

FINALLY, umamin na rin si Ashley Ortega na jowa niya na si Mavy Legaspi.

Sa guesting kasi ng aktres sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, diretsahan siyang tinanong ni Kuya Boy, kung may relasyon na nga ba sila ngayon ni Mavy.

At ang sagot ni Ashley, “Yes! It’s  obvious naman na.”

Ikinuwento ni Ashley kung paano silang nagkakilala ni Mavy. Ayon sa kanya, mayroon silang common friends na ipinakila sila sa isa’t isa. Pero last year lang sila nagsimulang mag-date.

I think it started na parang there was a one night kasama ‘yung mga friend namin, so roon ko siya nakilala.

“Then nagtuloy-tuloy na. And then he asked me out if we can have lunch or dinner together just to get to know each other. Then, nagtuloy-tuloy na,” aniya pa.

Ilan sa qualities na nagustuhan ni Ashley kay Mavy ay ang pagiging thoughtful at generous nito.

Hindi naman kasi ako ma-grandeng tao na kailangan ng flowers or surprises or whatsoever.

“Ano lang talaga, more on conversational lang talaga ako,” sey ng dalaga.

Aga namang nilinaw ni Ashley na pareho na silang single ni Mavy nang magsimula silang mag-date exclusively. Hiwalay na raw siya sa ex-boyfriend niyang politician na si Lucena City Mayor Mark Alcalaat hiwalay na rin daw si Mavy kay Kyline Alcantara. 

Kaya hindi raw totoo ang chika na siya ang dahilan ng break-up ng boyfriend at ni Kyline.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …