Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Tan Beautederm Pacita Mansion

Alagang Beautederm ipinaramdam ni Ms. Rhea Anicoche-Tan, Pacita Mansion nakakabilib sa ganda!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG klase talaga kapag ang napaka-generous at napakabait na Beautederm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang may pa-bonding sa media.

Almost dalawang dosena kaming member ng entertainment press na mapalad na naimbitahan sa napakagarang Pacita Mansion sa Vigan Ilocos, Sur. Ito ay gift ng kilalang business mogul sa kanyang mahal na ina na si Mommy Pacita Anicoche at matagal nang pangarap ni Ms. Rei ito para sa kanyang mommy.

Hindi kami magtataka kung very soon ay magiging isang sikat na landmark sa Vigan ang Pacita Mansion na malapit lang (walking distance lang, actually) sa Calle Crisologo na dinarayo ng mga turista dahil kilala ito sa mga old houses, cobblestone streets, historic architecture, romantic atmosphere, at iba pang doon lang makikita.

Anyway, mula umpisa ng aming tatlong araw na pamamalagi sa Vigan hanggang sa makauwi kami, grabeng pag-aalaga at super-spoiled kaming lahat sa kakaibang hospitality at generosity na naranasan namin kina Mam Rei, Mommy Pacita, and company.

First time namin sa Vigan, Ilocos Sur at definitely ay sobrang memorable ito sa amin dahil sa aming napakababait na hosts.

Ngayon ay alam na namin kung saan nagmana ng sobrang kabaitan si Ms. Rei, of course sa kanyang mahal na Mommy Pacita. Kitang-kita naman na pati ang number 1 BFF niya at younger sis na si Ms. Bambie Anicoche ay super-bait at sobrang maasikaso sa aming lahat.

Mula sa Beautederm Headquarters pa lang sa Angeles ay may giveaways na agad na kailangang-kailangan talaga namin like Belle Dolls, Beautederm at BlancPro products, pati na Beautederm neck pillow para mas maging komportable sa mahabang biyahe. Obvious na talagang pinaghandaan at pinag-isipan ang bonding namin na ito ng mga kinauukulan.

Pagdating namin sa Pacita Mansion sa Vigan, may naghihintay na namang bag ng giveaways at masarap na meryenda, kabilang ang napakasarap na miki noodles na niluto mismo ni Mommy Pacita. Ilang oras lang ang lumipas, sumabak na naman kaming lahat sa masarap na dinner sa pool side ng Pacita Mansion.

Sumunod ay nagkaroon kami ng mini-tour ng mansion at kami’y humanga sa laki at sa ganda nito. Mistulang five-star hotel ang Pacita Mansion at masasabi naming katas ito ng pagsisikap and kasipagan ni Ms. Rhea at sagisag ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang Mommy Pacita.

Sa Vigan trip na ito ay na-meet din namin ang mababait na public servants ng Ilocos Sur na sina Governor Jerry Singson, Vice Governor Ryan Luis Singson, at Vigan City Mayor Jose Singson, Jr., na sobrang welcoming at nakasama pa namin sa dinner sa second day. Good friends sila ni Ms. Rhea.

Worth mentioning din ang masayang experience namin sa Pinakbet Farm, weaving factory, Casa Vicente ni Mayor Bonito, BarTech sa Calle Crisologo, ang product at food fair sa Vigan (na sumabak kaming taga-media sa mahabang lakaran with Ms Rhea, Kakai, at Jaiho), at ang Baluarte Resort and Mini Zoo na pag-aari ni former Ilocos Sur governor Chavit Singson.

Maraming salamat din sa dalawang Beautederm ambassadors na sina Kakai Bautista at DJ JhaiHo sa pakikipag-bonding sa press dahil lalo nilang pinasaya ang espesyal na okasyon na ito. Masasabi kong bagay silang maging part ng Beautederm family dahil tulad din sila ni Mam Rhea, na mababait at totoong tao.

Thanks din sa mababait at masipag na bahagi ng Beautederm family na sina Ms. Mylene Timbol, Marianne de Guzman, Chona Lee, Doreen Canyong, Eazel Puno, Jennifer Niñal, at iba pa.

Incidentally, ang Beautéderm Corporation ni Ms. Rei ay mayroon na ngayong anim na sub-brands, kabilang ang Beautéderm, BlancPro, Beauté Beanery, BeautéHaus, Belle Dolls, at AUDREY.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

SM Sparklo Reverse Vending Machines

SM Introduces Sparklo Reverse Vending Machines to the Philippines for the First Time Ever

SM Supermalls and Sparklo executives formalize their partnership during the official launch of Sparklo’s reverse …

Virginia Rodriguez Leave Nobody Hungry Foundation

Ms. Virginia Rodriguez, nakatutok sa Leave Nobody Hungry Foundation

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO si Ms. Virginia Rodriguez – president at chairperson ng …

Tuesday Vargas

Tuesday Vargas talento ibinabahagi habang naglalayag sa dagat

HARD TALKni Pilar Mateo MUKHANG umiingay ngayon ang sea cruises. O paglalayag sa dagat. Napakarami …

Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent …

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …