Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
explosion Explode

Vintage bomb nilagari kagawad patay sa pagsabog

AGAD namatay ang isang 42-anyos kagawad ng barangay habang nasa kritikal na kondisyon ang kaniyang tauhan, nang sumabog ang isang vintage bomb na sinusubukan nilang buksan gamit ang lagari nitong Sabado, 8 Pebrero, sa bayan ng Bambang, lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Kinompirma ni P/Maj. Nova Lyn Aggasid, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya PPO, na agad binawian ng buhay ang kagawad habang naputol ang mga paa ng kaniyang 33-anyos tauhan mula sa Nueva Ecija, at kasalukuyang nasa kritikal an kondisyon sa Region II Trauma and Medical Center, sa Bayombong, sa naturang lalawigan.

Nabatid na nahukay ang vintage bomb sa isang project site kung saan contractor ang kagawad sa Brgy. San Antonio North, sa Bambang.

Sa paniniwalang maaaring may lamang ginto ang bomba, dinala nila ito sa kaniyang bahay sa Brgy. Almaguer South.

Sinubukan nila itong buksan gamit ang lagari na nagmitsa sa pagsabog nito.

Agad nagtungo ang mga kapitbahay upang sila ay daluhan matapos marinig ang malakas na pagsabog na nauna nilang inakalang dahil sa tangke ng gas o sa transformer ng koryente.

Kasalukuyan nang sinusuri ng Provincial Explosives and Canine Unit sa Nueva Vizcaya ang mga natira sa bomba upang matukoy ang uri nito.

Samantala, sinabi ni Aggasid na aksidente ang pagsabog at hindi magsasampa ng kasong kriminal ang mga awtoridad.

Pinanawagan din niya sa publiko na agad iulat sa mga awtoridad kung may makikitang vintage bomb at huwag tatangkaing hawakan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …