Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Flood Baha Landslide

Sa La Paz, Leyte
6 magkakapamilya nakaligtas sa landslide

HIMALANG nakaligtas ang anim na magkakapamilya matapos gumuho ang lupa sanhi ng malakas na pag-ulan dahil sa shear line sa Brgy. Bocawon, bayan ng La Paz, lalawigan ng Leyte, nitong Lunes, 10 Pebrero.

Naganap ang landslide dakong 10:00 ng umaga nang bumigay ang lupa sa bundok kasunod ng pag-apaw ng ilog at pagbaha sa dalawang bahay.

Ayon kay Domingo Ero, Jr., isa sa mga nakaligtas, nasa loob ng bahay ang kaniyang asawa, dalawang manugang, at kaniyang bagong silang na apo, nang makarinig sila ng malakas na tunog kasunod ang pagragasa ng lupa at tubig.

Nagawang makatakbo ni Ero at ng kaniyang anak na lalaki na parehong nag-aayos ng kanilang kopra, ngunit hindi nagawang makalabas ng kanilang mga kaanak na nasa loob ng bahay.

Matapos ang ilang minuto, nasagip ni Ero ang kaniyang asawa, mga manugang, at apo mula sa nawasak na bahay.

Bukod sa mga galos, walang matinding pinsala ang inabot ng magkakanak.

Ayon kay Brgy. Chairman Jerry Pamat, hindi bababa sa 60 kabahayan ang apektado ng landslide dahil binaha ang nag-iisang kalsadang daanan patungo sa kanilang barangay.

Pinayohan niya ang mga residente na huwag tatawid sa bahang kalsada dahil maaaring mayroong mga live wire at malakas na current na magiging sanhi ng mga aksidente.

Ayon kay Soriano Armenio, Jr., Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO), hindi pa rin stable ang lupa sa pinangyarihan ng landslide at ikinokonsiderang ilikas ang mga apektadong residente.

Samantala, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa nabanggit na bayan.

Inabot ng pinsala ang Calabato Hotspring, ang pangunahing tourist destination ng bayan.

Gayondin, naiulat ang pagbaha sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, partikular sa Jipapad, Dolores, at Arteche sa Eastern Samar, at lungsod ng Tacloban dahil sa shearline.

Hindi pa rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Arteche-Jipapad-Las Navas-Rawis Road dahil sa landslide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …