Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Captain Pilot Janah Zaplan

Janah Zaplan, nagtapos na Cum Laude ng kursong BS in Aviation, major in Flying

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SOBRANG nakaka-proud talaga itong singer/recording artist/actress na si Janah Zaplan. Kamakailan kasi ay nagtapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo sa Air Link International Aviation College ng kursong Bachelor of Science in Aviation, major in Flying.

Sa ibinigay na surprise graduation party kay Janah sa Plaza Ibarra sa Timog, QC ay naging emosyonal ang dad ni Janah na si Daddy Boyet Zablan nang malaman nitong nagtapos bilang Cum Laude ang kanyang bunsong anak.

Nangingilid ang luha niya nang sabihing, “Akala namin kami ang may sorpresa sa kanya, kami pala ang masosorpresa niya dahil nagtapos si Janah bilang cum laude!”

Wika naman ng mom niyang si Mrs. Dencie Zaplan, “We are so grateful talaga dahil na-blessed siya ng ganoong talent. Salamat sa inyong lahat na nandito ngayong gabi para maki-celebrate sa graduation party niya.”

Ang feat na ito ay nagawa ni Janah despite na pinagsabay ng magandang dalaga ang kanyang dream na maging piloto at ang kanyang showbiz career, kaya marami talaga ang pinabilib niya.

Beauty and brains, plus talented talaga ang mabait na dalaga, na nang nagsisimula pa lang ng kanyang showbiz career ay parang anak-anakan siya ng aming media group na TEAM (The Entertainment Arts & Media).

Madalas kasi siyang present sa mga events at projects ng TEAM, like sa aming annual Gift Giving and Feeding project sa Child Haus, fund raising shows, special occasions, sa Christmas party namin, at iba pa. Kaya sobrang proud na proud kami (ako) sa kanya at ang buong TEAM.

Anyway, sa panayam sa kanya ng mga taga-press, ipinahayag ni Janah ang sobrang kagalakan sa ibinigay sa kanyang surpise celebration ng kanyang parents.

Masayang pahayag niya, “Super na-surpise po ako, actually, I really didn’t expect such celebration. Kasi ang alam ko lang talaga, were just gonna have dinner outside as a family.

“But I’m always grateful and blessed to have parents like them, who always go beyond what I expect.”

Dagdag pa ni Janah, “Actually, wala naman kasi talaga akong ine-expect, pero wala, sobra-sobra po talaga ang ibinibigay nila and I’m just so happy.”

Kahit daw graduate na siya bilang piloto, hindi naman daw niya pababayaan ang kanyang singing career.

Aniya, “No, not really, kasi my music career is just there. I know its on the side and I know I can prioritize that pa rin naman po despite me being a pilot.

“Actually, I am still a long way to go to become a real one. Because it’s really a tough path to take and I wasn’t ano po, parang hindi ko pa po alam before na ganoon pala siya talaga kahirap. But I know it’s gonna be worth it ’till the end, hanggang ma-reach ko talaga ang aking goal,” nakangiting sambit pa niya.

Nagbigay din ng message si Janah sa kanyang mahal na parents.

Wika ni Janah, “Of course it wouldn’t be possible to reach this level without them. So I’m happy and I just want to thank them for everything because of the sacrificed that they have been doing. Hindi siya madaling kurso, alam po natin iyan at mahal talaga siya.

“So I’m lucky to have them support me through the ups and downs, through everything po… kaya hayon, sobrang thankful po ako sa kanila and blessed.”

Bukod sa kanyang pamilya, relatives, friends, supporters, mga taga- media,present din sa celebration ni Janah ang head ng StarPop na si Rox Santos, Creative Director na si Jonathan Manalo, Star Music head na si Roxy Liquigan, Froi at Pewee ng Jeremiah, Richard Merck, Direk Romm Burlat, ang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start, at iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …