Monday , March 31 2025
Gloria Romero

Industriya ng showbiz nagdalamhati sa pagpanaw ni Gloria Romero

NAGLULUKSA ang buong industriya sa pagpanaw ng Queen of Philippine Cinema na si Ms Gloria Romero noong Enero 25, 2025. Maraming celebrities ang nagpahatid ng kanilang pakikidalamhati sa pamilya ni Ms Gloria na ang labi ay nakalagak sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.

Ngayong araw, Lunes, January 27 at 28 tuwing umaga lamang ang public viewing.

Naglabas din ng official statement ang anak na si Maritess Gutierrez ukol sa pagpanaw ng veteran actress.

“TO OUR DEAREST FAMILY, RELATIVES, AND FRIENDS: It is with great sadness to announce the passing of my beloved Mother, Gloria Galla Gutierrez aka Gloria Romero, who peacefully joined our Creator earlier today. “In this time of loss, our family deeply appreciates the support, prayers, sympathy, all the lovely messages, and heartfelt condolences that we’ve received. She will surely be missed dearly.’

Maraming celebrities na nakatrabaho ang nagbigay pugay sa tinaguriang Queen of Philippine Cinema. Ilan dito ay sina Amy Perez na nakasama ng matagal sa Palibhasa Lalake ng ABS-CBN.

Ani Amy, wasak ang kanyang puso sa pagpanaw ni Ms Gloria at tiyak mami-miss niya ito na kung tawagin niya’y mommy. 

“Thank you for everything [white heart emoji]. Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ [folded hands emoji]. Love you forever,” post ni Amy sa kanyang Instagram. 

“When I became a producer for Kapag Langit ang Humatol, I saw firsthand how dedicated and professional she was. Tita Glo had this remarkable way of making everyone around her feel valued and respected. She treated every role with the same reverence, from her award-winning performance in Dalagang Ilocana, her unforgettable portrayal in Tanging Yaman, to the heartwarming comedy of Palibhasa Lalake, where she became our ever-charming Tita Minerva,” pahayag naman ni Charo Santos-Concio. 

“On-screen, she brought laughter, joy, and wisdom as the lovable grandmother. Off-screen, she was just as warm and nurturing, always ready with kind words or a gentle smile that could brighten even the most difficult days.”

“Thank you, Tita Glo, for the laughter, the lessons, and the love you shared with all of us. You will forever live on in our hearts, a shining star whose brilliance will never fade.”

“Rest in peace and power, Tita Glo. You are deeply loved and will be sorely missed,” sabi pa ni Charo.

Nagpahayag din ng pakikidalamhati ang grupong SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors sa pagkawala ni Ms Gloria na isa sa EDDYS Icon Awardee noong 2018. Narito ang kanilang mensahe. 

“The Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) joins the entertainment industry in mourning the passing of the Queen of Philippine Movies, Ms. Gloria Romero. Her immense talent, grace, and unparalleled contributions to the movies and television have truly left an indelible mark on the nation’s hearts and culture.

We are deeply grateful and take pride in having had the opportunity to honor her as an EDDYS Icon in 2018—our humble way of recognizing her extraordinary legacy and the countless lives she touched through her artistry.

Tita Glo, thank you for inspiring generations and elevating the craft of Philippine cinema. Rest in peace, and may your light continue to shine in our memories and in the history of our beloved industry. #GloriaRomero #RIPGloria #TheEddys.”

 Ilan sa mga pelikula na nagpasikat kay Ms Gloria ay ang 1952 film na Madame X at Dalagang Ilocana na makalipas ang dalawang taon ay hinirang na Best Actress sa FAMAS.

Ginawa rin niya ang mga pelikulang Hong Kong Holiday, Condemned, Nagbabagang Luha, Tanging Yaman, Magnifico, Moments of Love, Beautiful Life at marami pang iba.

Nakasama rin siya sa mga seryeng Familia Zaragoza, Mga Anghel na Walang Langit, May Bukas Pa, at I Love Betty La Fea.

Marami na ring natanggap na parangal si Ms Gloria kabilang na ang dalawang FAMAS Award for Best Actress, isang FAMAS Award for Best Supporting Actress, dalawang Gawad Urian acting awards, at dalawang Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actress awards.

About hataw tabloid

Check Also

4 patay sa 7.7 magnitude lindol sa Myanmar Bangkok, Hanoi nataranta

4 patay sa 7.7 magnitude lindol sa Myanmar
Bangkok, Hanoi nataranta

BANGKOK – Isang malakas na lindol ang naranasan ng Myanmar at ng kalapit bansang Thailand …

Summer-Saya Together TV5

Summer-Saya Together ng TV5 pasabog may Japan getaway pa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KASABAY ng pag-init ng panahon ang mainit ding mga pasabog ng TV5 sa Summer-Saya …

Alfred Vargas

Proyektong pangkabuhayan ni Alfred Vargas 4,500+ residente natulungan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAYna aktor at prodyuser si Alfred Vargas. Kung ilan ulit na niya …

Casino Plus Grand Jackpot Gut Feeling na nauwi sa pagkakasungkit ng ₱30M na Jackpot Prize

Casino Plus Grand Jackpot: Gut Feeling na nauwi sa pagkakasungkit ng ₱30M na Jackpot Prize

NASUNGKIT ng isang adult player mula Luzon ang tumataginting na ₱30,363,000 mula sa Casino Plus …

Automation Election Law ipinatitigil sa SC

IPINATITIGIL sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates Atty. Mark Kristopher …