Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lala Sotto MTRCB

MTRCB, Tiniyak ang Patuloy na Pagsusulong ng Responsableng Panonood at Pagsuporta sa Industriya ng Paglikha ngayong 2025

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA ika-apatnapung taon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), muling tiniyak ng Board ang pagsusulong sa mandato nitong proteksiyonan ang pamilya at kabataang Filipino sa pamamagitan ng responsableng regulasyon sa media at patuloy na pagsuporta sa industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa.

Ipinahayag ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang malalim na dedikasyon ng Board na maihatid sa publiko ang tamang impormasyon at responsableng paggamit ng media na siyang may malaking parte sa paghubog ng lipunan.

“Ngayong 2025, mananatili po tayong matatag sa ating misyon na maisulong ang responsableng panonood para sa kapakanan ng pamilyang Filipino,” pahayag ni Sotto-Antonio.

“Atin ding tinitiyak ang patuloy na pagsuporta sa industriya ng paglikha sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na klasipikasyon sa bawat palabas at pelikula at ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder.”

Dagdag pa ni Sotto-Antonio na mas palalakasin pa ng MTRCB ang pakikipag-kolaborasyon sa lokal na mga direktor, producer, at TV network, pati na rin sa mga streaming platform at mga kaalyadong bansa.

Sa pamamagitan nito, mas matutugunan ng MTRCB ang iba’t ibang hamon pagdating sa media regulation habang pinapaunlad ang masining at inobasyon sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Ayon pa kay Sotto-Antonio, ipagpapatuloy ng Ahensya ang pagsusulong ng kampanyang “Responsableng Panonood” na layong maturuan ang publiko sa importansiya ng tama at angkop na pagpili ng mga palabas, partikular sa mga batang manonood.

At dahil sa mabilis na paglago ng digital platforms at teknolohiya sa bansa, nangako rin ang MTRCB na gamitin ang mga makabagong pamamaraan pagdating sa polisiya at regulasyon, at sa pagpapanatili ng Filipino cultural values na siyang pamantayan para sa proteksiyon ng mga manonood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …