Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Knife Blood

Inatado ng sariling anak
ULO NG AMA PINUGOT PUSO ISINABIT SA PUNO

INARESTO ng pulisya ang isang 41-anyos lalaki dahil sa alegasyong pinugutan niya ng ulo at kinatay ang katawan ng kaniyang sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Madaum, lungsod ng Tagum, lalawigan ng Davao del Norte, nitong Linggo ng umaga, 19 Enero.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pinagalitan ng biktimang kinilalang si Loloy ang kaniyang anak na si Barlono dahil sa hindi pag-uwi ng kanilang bahay nang ilang araw.

Dahil dito, sinugod ng suspek ang ama gamit ang patalim sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na pinagtataga ni Barlono ang katawan ng kaniyang ama, inilagay ang puso sa isang puno, saka inilagay ang iba pang lamang loob sa kaserola.

Samantala, itinapon ng suspek ang ulo ng kaniyang ama sa ilog at kasalukuyang pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

Isinumbong ng mga kapitbahay sa pulisya ang insidente saka dinakip ang suspek ng mga nagrespondeng pulis sa loob ng kanilang bahay.

Narekober ng pulisya ang katawan ng biktima na balot ng putik, dalawang patalim, isang martilyo, at isang pala na pinaniniwlaang ginamit ng suspek sa pamamaslang.

Napag-alamang may sakit sa pag-iisip ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong parricide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …