Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic Sotto Sante

Vic Sotto wala pang maintenance sa edad 70

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABIBILIB si Vic Sotto na sa edad 70, wala pa pala itong maintenance.

Sa paglulunsad sa kanya bilang pinakabagong endorser ng Sante Barley, naibahagi ng komedyante na sa kanyang edad ngayon wala pa ngang maintenance. Kaya nga nagpapasalamat si Bossing Vic sa Panginoong Diyos dahil kahit senior na siya ay maayos pa rin ang kanyang kalusugan at ang pinakamaganda pa nga ay wala pa siyang iniinom ng mga gamot para sa kung ano mang sakit. 

Ani Bossing Vic, wala siyang hypertension o diabetes pero may mga iniinom siyang food supplements, kabilang na ang vitamins at mga all-natural healthy drinks.

Bukod sa supplements, pinananatili rin ni Vic ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, tulad ng regular exercise, ang pagbibisikleta at walking, at pagkain ng masusustansiya at pagkain sa tamang oras.

Hindi rin niya masabayan sa pagwo-workout ang asaawang si Pauleen Luna dahil grabeng exercise ang ginagawa nito. Tama na sa kanya ang paglalakad sa kanilang village at pagbantay sa pagkain.

Kamakailan, pormal na ipinakilala si Bossing Vic bilang bagong brand ambassador ng Santé, ang global provider ng organic health at wellness products. Kilala si Vic sa kanyang commitment sa malusog na pamumuhay, sa kanyang koneksiyon safans, at siyempre ang dynamic onscreen presence. Kaya naman siya ang perfect na kumatawan sa brand na nagpo-promote magandang kalidad ng pamumuhay.

Binuo ng Santé ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaang pangalan sa health and wellness. Naghahain ito ng high-quality, organic barley-based products na certified organic ng BioGro New Zealand.

Ang flagship product nito ay mula sa fields ng Canterbury region ng New Zealand, na siyang nagbibigay ng siguradong superior quality at nutrient density sa produkto.

Honored ako to join the family sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na namumuhay ng mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices at excited ako na ibahagi sa mga tao ang good news na ito,” ani Bossing.

“Vic’s ability to connect with people and his genuine approach to wellness make him the perfect partner for our brand,” ayon sa CEO na si Joey Marcelo. Excited kami to see how this collaboration will inspire Filipinos to make health and wellness a priority.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …