SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
THANKFUL si Bossing Vic Sotto na marami ang nagtitiwala sa kanya hanggang ngayon para maging endorser ng kanilang produkto. Isa na riyan ang Sante Barley, ang nangungunang global provider ng organic health at wellness products.
“Of course I’m very thankful na my family supporting me, my friends, friends in the business, friends in the showbiz, tuloy-tuloy ang pagsuporta sa akin. And like sir Joey (Romero, Sante CEO) here trusting me, endorsing ng isang magaling na produkto. I’m very thankful and maraming-maraming salamat sa kanila, sa inyo at sa lahat ng tao, maraming salamat,” panimula ng magaling na komedyante/host.
At dahil iniintriga ngayon si Bossing Vic, natanong ito kung naaapektuhan ba kapag may mga naninira o binabahiran ng masama ang magandang imahe niya?
Hindi naman itinanggi ni Bossing Vic na hindi siya naaapektuhan. Aniya, “Hindi naman pwedeng hindi maapektuhan pero kumbaga sabi ko nga, ipagpasa-Diyos mo na ang lahat, wala na iyon.”
Natanong din si Vic kung totoong last movie na niya ang The Kingdom na entry niya at isa sa tinangkilik ng manonood.
“Matagal akong nagpahinga kasi nga hindi na naman ako bumabata na. Talagang nakaka-drain ng energy, emotionally, physically at ang paggawa naman ng pelikula hindi iyong pwede na iyan.Gusto naman natin na itaas ang kalidad ng paggawa ng pelikulang Filipino. Gusto naman natin na maging professional about it. Hindi siya biro. Pero after watching the finish product ng ‘The Kingdom’ I’m so proud of it, and I’m very happy na maging parte ng pelikula.
“Hopefully makagawa pa and we’ll see kapag may magandang materyales,” wika pa ni Vic na palabas pa sa mga sinehan ang kanyang The Kingdom.
Samantala, si Bossing Vic ang pinakabagong brand ambassador Santé Barley. Permanenteng fixture si Vic sa Philippine showbiz mula noong 1970s. Kilala si Bossing sa kanyang commitment sa malusog na pamumuhay, sa koneksiyon sa fans, at siyempre angdynamic onscreen presence, kaya naman siya ang perfect na kumatawan sa brand na nag-promote magandang kalidad ng pamumuhay.
Bilang orihinal na host ng long-running noontime show na Eat Bulaga! kasama sina Tito Sotto at Joey de Leon, ilang dekada nang household name si Vic. Ilan lamang sa kanyang body of work ang Si Agimat at si Enteng Kabisote (2010), Enteng ng Ina Mo (2011), at Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako (2012).
Kamakailan, ginawa ni Vic ang kanyang unang dramatic role sa 2024 film na The Kingdom, isang proyekto ukol sa kung ano ang magiging kasaysayan ng Pilipinas kung hindi ito sinakop ng ibang bansa, at minarkahan nito ang unang pagkakataon na hindi siya nag-comedy.
Binuo naman ng Santé ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaan na pangalan sa health and wellness. Naghahain ito ng high-quality, organic barley-based products na certified organic ng BioGro New Zealand. Sa misyon nito na tulungan ang mga tao sa buong mundo na mamuhay ng mas matiwasay at mas malusog, nagbibigay ang Santé ng natural health solutions na pinagsasama ang science at nature. Ang flagship product nito na Santé Barley ay mula sa fields ng Canterbury region ng New Zealand, na siyang nagbibigay ng siguradong superior quality at nutrient density sa produkto.
Ang iba pang brand offerings ay ang Santé Pure Barley Powder, Santé Barley Pure Capsules, Santé Fusion Coffee, at iba pang mga inumin at wellness products para sa iba’t ibang mga lifestyle.
Kinakatawan ni Vic ang qualities na mahalaga sa Santé Barley: authenticity, vitality, at proactive approach to health.
Excited si Bossing sa partnership na ito. “Honored ako to join Santé Barley sa kanilang misyon na i-empower ang mga Pinoy na mamuhay ng mas maayos. Good health is a gift, and we all have the power to nurture it with the right choices. May tiwala ako sa Santé Barley at excited ako na ibahagi ito sa mga tao.”
Kialala ang Santé Barley sa mayaman nitong nutrient profile, na puno ng essential vitamins, minerals, amino acids, at antioxidants. Ang regular na pag-inom ng barley grass ay napatunayang importante sa pagganda ng digestion, pagpapalakas ng immunity, at sa pag-boost ng overall vitality. Sa pakikipag-partner nito kay Vic, layunin ng Santé na ma-inspire ang mga Pinoy na unahin ang kanilang well-being at i-explore ang mga benepisyo sa pag-incorporate ng barley grass sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Mula sa kilalang pamilya ng mga Sotto, na kinabibilanan din ng kanyang mga sikat na kapatid gaya nina Tito at Val Sotto, malawak ang legacy ni Vic. Ama siya sa kanyang anim na mga anak kasama rito ang aktor na si Oyo Boy Sotto at ang public servant na si Vico Sotto, na alkalde ngayon ng Pasig City.
Sa TV man na host siya ng Eat Bulaga! o sa piling nga kanyang pamilya, kinakatawan ni Vic ang enerhiya na ipino-promote ng Santé Barley.
Matutungyahan sa partnership na ito si Vic sa mga serye ng campaigns, kasama ang digital commercials and content, at live events para maturuan ang mga Filipino tungkol sa kahalagahan ng organic health products.
“Vic’s ability to connect with people and his genuine approach to wellness make him the perfect partner for Santé,” anang Santé’s CEO Joey Marcelo. “Excited kami to see how this collaboration will inspire Filipinos to make health and wellness a priority.”