Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinakamatagal mula 2020
8-M DEBOTO LUMAHOK, HALOS 21 ORAS ITINAGAL NG TRASLACION 2025

011025 Hataw Frontpage

HATAW News Team

NAITALA ngayong taon ang pinakamatagal at pinakamahabang prusisyon bilang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Jesus Nazareno na umabot ng 20 oras at 45 minuto.

Ang Traslacion ay ang taunang prusisyon para gunitain ng mga deboto ang paglilipat itim na imahen ng Jesus Nazareno sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, mas kilala bilang Quiapo church.

Kinikilala ang Traslacion bilang isa sa pinakamalalaking gawaing pangrelihiyon sa buong mundo.

Naitala ngayong taon ang higit 20 oras na prusisyon, mas matagal sa 16 oras 36 minuto noong 2020, at 14 oras at 59 minuto noong 2024.

Tinatayang umabot sa 8,124,050 mga deboto ang lumahok sa Traslacion ngayong taon – higit na mas mataas nang 6.5 milyon noong 2024.

Nagsimula ang prusisyon dakong 4:41 ng madaling araw nitong Huwebes, 9 Enero, mula sa Quirino Grandstand patungong simbahan ng Quiapo — sa Dambana ng Itim na Jesus Nazareno.

Dumating ang andas sa Minor Basilica of San Sebastian matapos ang mahigit 12 oras dakong 5:45 ng hapon para isagawa ang tradisyonal na “Padungaw,” o ang pagtatagpo ng mga imahen ng Our Lady of Mt. Carmel de San Sebastian at ng Poong Jesus Nazareno.

Nakapasok ang Poong Jesus Nazareno dakong 1:26 ng madaling araw kanina sa Simbahan ng Quiapo matapos ang halos 21 oras na prusisyon.

Isa sa mga naging hamon sa Traslacion ay ang biglang paglobo ng bilang ng mga deboto pagsapit ng hapon dahil sa magandang panahon.

Nabatid din na pasado 6:00 ng gabi ay tuluyang napatid ang dalawang lubid na ginagamit upang hilahin ang andas – napatid ang unang lubid noong umaga.

Dahil dito, ang andas ay itinulak ng Hijos del Nazareno para sa pagpapatuloy ng prusisyon kaysa hintaying muling maikabit ang mga lubid na lalong makapagpapabagal sa Traslacion.

Ilang beses tumagilid ang andas sa gitna ng prusisyon dahil sa patuloy na pag-akyat at pagsampa ng mga deboto upang mahawakan ang likod na bahagi ng Krus at maipunas ang kanilang mga dalang bimpo at panyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …