Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Athena Red

Athena Red, aminadong pinuputakti ng bonggang indecent proposals

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATOK sa mga barako ang sexy actress na si Athena Red. Winner kasi ang kombinasyon ng kanyang beauty at kaseksihan.

Isa si Athena sa inaabangan ng mga kalalakihan sa mga nakakikiliting lampungan at eksena ng pagpapa-sexy sa VMX app (dating Vivamax).

Ipinahayag ng aktres na kung tatawagin siyang hubadera ay hindi siya mao-offend, dahil bahagi lang daw ito ng kanyang trabaho bilang aktres.

Aniya, “Hindi ako mao-offend. Being labeled as “sexy” or “hubadera” comes with the territory when you take on daring roles. For me, it’s a testament to my confidence and professionalism as an actress.

“As long as the roles I take are done with purpose and respect for the craft, I don’t see it as something negative naman.”

For sure pinuputakti siya ng mga indecent proposals, paano niya ito hina-handle?

Diretsahang tugon ni

Athena. “Totoo, may mga offers na sobrang bongga, tulad ng house and lot  15M, sportscar na worth 5M. Pero sa totoo lang, hindi ko na sila pinapansin. Hindi ko hinahayaan na maapektuhan ang personal values ko.

“Pinipili kong mag-focus sa career ko at sa mga bagay na pinaghihirapan ko, dahil iyon ang mas fulfilling para sa akin. 

“So, I handle it with firm boundaries and professionalism. I make it clear that I respect myself and my career. I choose not to entertain such proposals and focus on the people and opportunities that align with my values and goals.”

Ano ba siyang klaseng lover?

“I think I’m a thoughtful and passionate lover. I value communication, loyalty, and shared growth in a relationship. I’m very supportive and I give my all, but I also know how to maintain my independence.”

Sinong local actor naman kaya ang kapanta-pantasya para sa kanya at bakit?

Nakangiting sagot ni Athena, “Si Donny Pangilinan po. May natural charm siya na hindi pilit, at ang awra niya ay very boy-next-door pero may depth. Bukod sa pagiging handsome talented,  smart… mukhang genuine at mabuting tao rin siya, kaya madaling ma-attract sa kanya.”

Ano pa ang wish njyang mangyari sa kanyang career?

“Gusto kong makagawa ng mga international projects at makatrabaho ang mga world-class directors at actors. Pangarap ko rin na gumawa ng mga pelikulang may malalim na impact sa audience,” pahayag pa ni Athena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …