Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Santos

Gerald ‘maghuhubad’ ng katauhan sa Courage concert

RATED R
ni Rommel Gonzales

BAGO magtapos ang 2023 ay nakahabol pa kami ng tsikahan with Gerald Santos and his manager Rommel Ramilo.

Ang napag-usapan namin ay ang pagkikita at pagba-bonding nila ni Sandro Muhlach noong Nobyembre 2024.

Kapwa biktima umano ng sexual abuse sina Gerald at Sandro.

Si Sandro laban sa dalawang independent contractors ng GMA-7 at si Gerald laban naman sa musical director na si Danny Tan.

Noong Nobyembre 27, nag-post si Gerald sa kanyang Facebook page ng litrato nila ni Sandro sa isang party na may caption na, “Kahapon, finally ay nagkita na kami ng personal ni Sandro Muhlach! It’s nice to meet you bro! I’m here to support in every way i can!”

At sa interbyu namin kay Gerald, ikinuwento niya ang kaganapan.

Aniya, “Actually kami ni Sandro, magka-chat na kami before pa noong nagsabi ako ng aking support sa kanya.

“We followed each other sa social media, tapos nagkaka-chat na kami. But we never met in person.

“Kasi noong sa Senate  nasa Zoom lang siya. Kasi siyempre, fresh pa ‘yung sa kanya. Traumatized pa talaga siya. Hindi pa niya kayang humarap.

“Kaya noong nagkita kami, nagkaroon ako ng event, kinantahan ko ‘yung birthday ng lola ni Tita Pinky Fernando, roon kami nagkita.

“Na hindi rin namin alam, hindi ko alam na pupunta siya. And ayun, sobrang saya ko lang na makita siya.

We had a long embrace. Sabi ko sa kanya, hindi muna kami nag-usap about sa isyu. Basta magka-chat kami very soon para you know makapagkuwentuhan naman kami.”

Ang ama ni Sandro, si Niño Muhlach ang unang nakaka-chat ni Gerald.

“Nag-meet na kami multiple times ni Kuya Niño sa Senate, ‘di ba? So roon, nagkakausap naman kami.”

Sa pagtatagpo nila ni Sandro, naaninag ni Gerald ang katapangan kay Sandro sa kabila ng hinaharap nitong mga isyu.

Yes, definitely. Courage talaga iyon. Kasi kung may isa akong pinagsisisihan noon, ayun, ako, hindi ko agad talaga nasabi.

“Noong nangyari ‘yun, 15 ako. Talagang wala akong lakas ng loob. I was only a contestant. Nagsumbong ako sa GMA, 2010.”

Samantala, speaking of courage, ibang Gerald ang mapapanood sa Courage concert sa January 24 sa SM North EDSA Skydome.

Kuwento ni Gerald, “‘Yung current hits, and mga classic na mga kanta, mapakikinggan nila rito.

“And may ilo-launch din kami roon, ‘yung song na ilalabas namin soon, ‘yung ‘Hubad.’

Ibang tunog bilang singer ang ipamamalas ni Gerald sa Hubad.

Maghuhubad ba siya sa concert?

“Abangan niyo,” at tumawa ang binata.

Bukod dito, ilo-launch sa kanyang Courage concert ang adbokasiya ni Gerald na Courage Movement.

“It’s about ‘yung mga naa-abuse sexually, harassment. 

“We’re planning na magkaroon ng parang therapy na mga session for the victims.

“Or legal assistance. Basta, kung ano ‘yung maitutulong namin… we will do that for the victims.

“At in my own small way, para makatulong din ako sa victims like me.”

Isa sa mga special guest ni Gerald sa concert ay si Sheryn Regis.

Available ang tickets sa Smtickets.com o sa link na ito-

https://smtickets.com/events/view/14061

Sa kabilang banda, kinamusta namin ang reklamo niya laban kay Danny? Magsasampa na ba siya ng kaso?

About to. We’re still studying everything.”

Nasaan na si Danny?

“‘Yun ang di ko alam. I don’t know. Wala kaming alam.”

Kung kaharap niya ngayon si Danny, ano ang maaari niyang sabihin dito?

“Ahhh… ang masasabi ko sa kanya, ano… dapat ano… dapat pagbayaran niya ‘yung ginawa niya.

“Kasi may mga iba pang biktima. And kilala rin namin ‘yung iba pa niyang biktima na ayaw pa lang lumabas.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …