Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan na nagbigay ng karangalan sa ating bansa bilang gold medalist sa Southeast Asian Games at nagsilbi nang buong puso bilang Airman First Class sa Philippine Air Force.

Dahil lamang sa isang walang saysay na karahasan, nawala sa atin ang isang talentadong atleta at dedikadong serviceman. Sa isang iglap, ninakaw sa kanya ang pagkakataong magpatuloy sa pag-abot ng kanyang mga pangarap at maglingkod pa sa kanyang pamilya, komunidad, at sa ating bayan.

Nakikiisa ako sa pamilya Guarte, sa buong sports community, at sa Philippine Air Force sa pagdadalamhati sa pangyayaring ito. Taos-puso kong ipinapanalangin ang kapanatagan ng kanilang mga puso sa gitna ng matinding pagsubok na ito.

Bigyang-pugay natin ang alaala niya hindi lamang sa pamamagitan ng pagdiriwang sa kanyang mga nakamit kundi sa paghahanap ng hustisya para sa karumal-dumal na krimeng kanyang sinapit.

Sa ating mga tagapagpatupad ng batas, mariin kong ipinapanawagan ang pagsasagawa ng agaran at masusing imbestigasyon upang masigurong mapananagot ang nasa likod ng krimeng ito. Walang puwang sa ating lipunan ang karahasan, at tungkulin nating lahat na tumulong sa pagkamit ng isang mas ligtas na Pilipinas para sa lahat.

Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mervin. Magsilbi nawang inspirasyon sa mga kabataang Pilipino at sa mga susunod pang henerasyon ang naging buhay niya bilang atleta at tagapagsilbi ng bansa. Sa tulong ng ating Panginoon, umaasa tayong mamamayani ang nararapat na hustisya para sa kanya. (Mervin Guarte fb photo)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …