Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dina Bonnevie Deogracias Victor DV Savellano

Asawa ni Dina na si DA Usec Victor pumanaw sa edad 65

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PUMANAW na ang asawa ng batikang aktres na si Dina Bonnevie, si Agriculture Undersecretary Deogracias Victor “DV” Savellano.

Ang pagpanaw ay inanunsiyo kahapon ng provincial government ng Ilocos Sur sa pamamagitan ng Facebook page nito. Hindi naman nabanggit ang sanhi ng pagkamatay.

Nag-post din ang mga anak ni DA Savellano na sina Patch at Marie ukol dito kahapon ng tanghali.

Namaalam si Savellano sa edad 65. Ilang taon ding nagsilbi si G Savellano sa probinsiya ng Ilocos Sur at bilang Undersecretary ng Department of Agriculture.

Ani Marie sa Instagram post ng kanilang larawan nang ikasal siya kasama ang amang si G. Victor, “I love you so much Papa.”

“Di monto kunaem nga malipatan ka inggat tumpal tanem. I love you so much, Papa,” post din ng isa pang anak na si Patch sa kanyang IG.

May mga larawan ding magkakasama ang mga anak at apo nina G. Victor at Dina.

Ikinasal sina Dina at G Victor noong 2012.

Bago ito’y nag-post pa si Dina ng video habang nasa bakasyon silang mag-asawa sa Japan.

 “Happy New Year everyone! May your blessings for 2025 be as grand and as beautiful as Mt. Fuji! Cheers!” caption ng aktres sa picture.

Marami naman ang nagpahayag ng pakikidalamhati sa mga naulila ni G. Victor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …