Monday , February 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Skye Gonzaga

Skye Gonzaga, masayang pagsabayin pagiging sexy actress at DJ

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Skye Gonzaga sa mga sexy actress na masarap kahuntahan.

Palaban kasi siya sa mga sexy questions at pagkukuwento ng mga maiinit niyang love scenes sa mga ginagawang pelikula.

Si Skye ay isang VMX sexy actress at DJ na tiyak na magpapainit sa mga barakong makakasilip sa kanya sa naturang streaming app. Ang talent na ito ni Lito de Guzman ay palaban sa maiinit na lampungan.

Wala pa siyang one year sa mundo ng showbiz, pero isa siya sa paboritong panoorin ng mga barakong suki ng VMX (dating Vivamax).

Sa aming panayam sa magandang aktres, ipinahayag niyang ang kanyang itinuturing na biggest break sa showbiz ay ang pelikulang Kiskisan.

Aniya, “Iyong movie ko na Kiskisan with Robb Guinto dahil po it was a good opportunity for me to work with one of the biggest stars of Vivamax, si Miss Rob Guinto… and to our director Bobby Bonifacio Jr. and they gave me the role of Cheska. Dahil po rito, I gain lots of attention and followers from that movie.”

Ang Kiskisan ay isang GL (girl’s love) movie at sumabak ang mga bida rito sa malulupet at wild na love scenes.

Kuwento ni Skye, “Actually hindi po ito ang first time ko, pero ito ang unang GL ko na ipinalabas. Kasi po, may nauna na akong nagawang GL movie.

“Hindi ko po siya nagawa in real life, kaya challenging po siya para sa akin.”

Nang usisain if type rin ba niyang makaranas sa kapwa niya babae in real life, ito ang pilyang tugon niya, “Gusto ko pong maranasan ito, gustong-gusto ko po. Gusto kong i-try ito in real life, hahaha!”

Nag-enjoy ba siya sa paggawa ng movie na ito? “Sobra!” Nakangiting sambit pa ng magandang sexy actress na originally ay isang DJ mula sa Cebu.

Dagdag pa ni Skye, “Ang pinaka-wild na nagawa ko po rito, first time kong sumabak sa foursome, so parang nagkiskisan po kaming lahat. Kasi sa first movie ko, threesome lang ginawa namin, tapos GL, then eto po, foursome na.”

“So eto, kiskisan na talaga iyong ginawa namin dito, kaya parang na-shock din ako,” nakangiting wika pa niya.

Ano ba ang kanyang dream role? “Gusto kong ma-try iyong mga action movies po!”

Sino ang ang idol niyang aktres?

“Si Miss Nora Aunor, kasi sobrang dami na siyang napatunayan sa kanyang acting skills and it’s super inspiring po talaga!”

Nabanggit din ni Skye kung saang proyekto siya nag-e-enjoy o nacha-challenge.

“Sa una kong movie na Baligtaran dahil first time ko pong nakipag- kissing scene and love scene sa babae.”

Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang career?

Tugon ni Skye, “As a Viva artist, gusto kong mabigyan ng opportunity na maipakita pa kung ano ang kaya kong gawin and kaya pang ma-improve sa aking talento as an artist.”

 Aminado rin siyang happy sa takbo ng kanyang showbiz career.

“Sobrang saya ko, kasi hindi lang sa showbiz naging successful ang aking career, kung hindi sa pagiging DJ ko rin po,” nakangiting pakli pa ng super-sexy at hot na hot na si Skye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Aiko Melendez Onemig Bondoc

Aiko, Onemig sinopla netizens na kumukuwestiyon sa kanilang relasyon

RATED Rni Rommel Gonzales INALMAHAN nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc ang mga namba-bash sa kanilang relasyon, na kesyo …

Ralph Dela Paz

Actor/negosyanteng si Ralph Dela Paz sunod-sunod proyekto ngayong 2026

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang actor/businessman na si Ralph Dela Paz dahil matapos itong mag-shoot ng kanyang …

Gladys Reyes Caprice Cayetano Heath Jornales

Gladys kinilig kina Caprice at Heath

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang kinilig sa impromptu acting nina Caprice Cayetano at Heath Jornales. Kitang-kita kasi …

Carlo Aquino Bela Padilla Jerry Lopez Sineneng Ricky Lee

Bela ibinuking Carlo takot sa matataas na lugar

HARD TALKni Pilar Mateo SA March 11, 2026, may isa na namang pelikulang ihahandog ang Viva sa …

Nijel de Mesa Jan Christine NDM Plus Not for Everyone Gala

NDM Plus naglunsad ng “Not for Everyone Gala” na kakaiba at puno ng artista

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG “NOT FOR EVERYONE GALA” ng NDM Plus ay hindi …