Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na pinamumunuan  ni Secretary Sonny Angara sa gagawin niyong pagkilos laban sa pambu-bully sa mga bata sa mga eskuwelahan. 

Kamakailan ang anak ni Yasmien na si Asyesha ay naging biktima ng bully sa eskuwelahan. 

Hindi raw makasagot si Ayesha sa mga kaklaase niya kung ano ang definite na gagawin sa kanilang planong Christmas party. Hindi naman maka-desisyon iyon ng wala ang ina. Pinagtulungan daw ng mga kaklase si Ayesha para hindi makalabas ng room at hindi makakain ng recess. Tapos inulit pa nila iyon ng lunch time. Hindi nakakain si Ayesha maghapon at walang nagwa kundi umiyak na lang dahil natatakot ding baka saktan pa siya ng mga kaklase. 

Nang magtangka naman daw magsumbong sa eskuwelahan, sinabihan si Yasmien ng magulang ng isa sa mga nam-bully na huwag nang makialam dahil baka mas malala pa ang mangyari.

Hindi nakapagpigil si Yasmien at ipinost iyon sa social media at nakatawag iyon sa pansin ng mga netizen at ng lehitimong media kaya nakarating kay Sec Angara na ngayon ay gustong maimbestigahan ang talagang nangyari at makagawa ng mga hakbang para hindi na maulit ang mga pambu-bully sa eskuwelahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …