Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni

Sen Bong Revilla nang matanong kung ano ang gagawin niya sakaling may magpakilalang anak niya.

Sagot ni Bong, “aakuin ko, dugo mo iyan at hindi ko ikinahihiya iyan.”

Pero hindi agad-agad ang gagawing pag-ako ng senador.

Aniya sa isinagawang media conference ng weekly action-comedy series noong

Sabado sa Novotel, ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 3, “Kung talagang ano, siyempre una, tanungin mo kung sino ang nanay, ‘di ba? Kung dumating ang ganoong pagkakataon, ipa-DNA mo. Dahil kung talagang anak mo siya, dapat panagutan mo ‘yon.”

O ‘di ba?! Talagang gentleman ang senador.

Sa naganap na grand mediacon ng Kapuso weekly action-comedy series na “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 3, “Well, kung talagang ano (may magpapakilalang anak) siyempre una, tanungin mo kung sino ang nanay, ‘di ba? Kung dumating ang ganoong pagkakataon, ipa-DNA mo. Dahil kung talagang anak mo siya, dapat panagutan mo ‘yon.”

Napag-usapan ang ukol sa anak sa labas dahil isa sa eksenang ipinakita sa trailer ay ukol doon. Ginagampanan ni Jillian Ward na may special participation sa serye, ang papel ni Dra. Barbara na anak ng ex-girlfriend ni Tolome, ang karakter ni Sen. Bong.

At dito na napaamin si Sen Bong. May anak siya sa iba.

Alam ni Lani iyon kung ano ‘yung totoo. Mayroon at makikilala niyo rin kung sino sila.

“Hindi mo naman puwedeng itago iyan. Unfair iyon para sa mga bata. Kapag anak mo, aakuin mo, dugo mo iyan at hindi ko ikinahihiya iyan,” diretsahang sabi ng aktor.

Sinabi pa ni Bong na true-to-life story ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Samantala, kitang-kitang ginastusan at pinaghandaan ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis. Nagustuhan namin ang mga stunt lalo na iyong underwater scene na tiyak hahanga ang sinumang makakapanood.

Sa bonggang action serye, gusto naming batiin ang mga direktor nitong sina Enzo Williams at Rechie del Carmen saganda ng pagkakadirehe.

Special season ito. Pero masasabi ko, pitong episodes na napakatindi, at tingin ko it’s better than 1 and 2. Kasi mas buo ‘yung puso. Buo ‘yung sa family values na makukuha mo. At maraming aral na matututunan.

“Ito ‘yung season na natatawa ka pero maiiyak ka, ‘yung ganoon. Tapos, at the same time, ‘yung action natin, matitindi. Maraming mga action scene na talagang death-defying stunts na ginawa, kaya abangan niyo iyan. May underwater scenes,” pagmamalaki ni Sen Bong.

Mapapanood ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis simula sa December 22, Sunday, 7:15 p.m. sa GMA 7. Kasama rin dito sina Beauty Gonzalez, Raphael Landicho, Carmi Martin, Niño Muhlach, Maey Bautista, Jestoni Alarcon, Liezel Lopez, Joko Diaz, Boss Toyo, Leo Martinez, at Jeffrey Tam.

May special participation din dito sina Gloria Diaz, Jay Manalo, Sid Lucero, Ryan Eigenmann, Faith da Silva, Long Mejia, Neil Ryan Sese, King Gutierrez, Jon Lucas, at Roxie Smith.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …