Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla JAG

Daniel mas nalalapitan ngayon ng fans, dinadagsa at pinagkakaguluhan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NANINIWALA kaming mas sumikat at mas tumibay ang career ngayon ni Daniel Padilla nang mahiwalay kay Kathryn Bernardo. Nakita namin ang mga video kung paano siya pagkaguluhan ng libo-libong taong nanood sa isang mall at dagsa rin ang mga tao sa kanyang ginagawang provincial shows. 

Ngayon bukod sa dating pakikipag-love team lamang sa pelikula, napatunayan niyang hit din siya sa mga concert, show na kanyang ginagawa. Mas lalong na-discover ng mga tao ang kanyang kakayahang kumanta. At dumami ang kanyang fans.

May nagsasabi pang naging mas malapit ngayon si Daniel sa kanyang fans, kasi noong araw bago niya maisipang lapitan ang fans niya, una niyang binabantayan at binibigyang proteksiyon si Kathryn. Kaya pati siya ay hindi na malapitan ng kanyang fans.

Eh ngayong wala na siyang iniintinding iba kundi sarili, mas nakalalapit na ang fans na gustong makipag-selfie sa kanya. Ang kailangan nga lang siguro ay mai-repackage ni Daniel ang sarili niya, maaari siyang luminya sa action, o subukan ang iba’t ibang leading ladies na tiyak namang kakagatin pa rin ng solid fans niya. 

Sa ngayon ang nakikita natin ay ang tunay na suporta ng fans sa kanya at hindi sa kanilang dalawa ni Kathryn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zoren Legaspi Mavy Cassy Carmina Villarroel

Hating Kapatid good venue para maipakita ibang side ng Legaspi family

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG malaking blessing para kay Cassy Legaspi, ang GMA drama series na Hating Kapatid sa kanilang …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mentorque at GMA movie star studded

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins patuloy na pinipilahan

NASA ikalawang linggo na sa mga sinehan ang Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins at patuloy itong …

GMA Pictures

GMA Pictures ratsada ngayong 2026

I-FLEXni Jun Nardo RATSADA this year ang GMA Pictures at hindi lang ang GMA Network, huh. Una sa …

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …