Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
1st Golf Celebrity Tournament MMD MMFF

1st Golf Celebrity Tournament ng MMD/MMFF matagumpay

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang kauna-unahang Celebrity Golf Tournament na proyekto ng  MMDA/MMFF na pinangunahan ni Chairman Romando Artes para sa pagdiriwang ng 50th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Wack-Wack Golf and Country Club, Mandaluyong City noong Martes.

Unang pumalo sina Chairman Artes at San Juan City Mayor Francis Zamora bilang hudyat ng pagsisimula ng mga manlalarong artistang may entry sa 2024 MMFF.

Nakibahagi si Cristine Reyes na kasama sa pelikulang The Kingdom ng kasama ang actor at boyfriend nitong si Marco Gumabao.

Naglaro rin sina Atoy Co, Paolo Paraiso (Topakk), Jayson Gainza, Epi Quizon, Christian Bautista, Mitoy Yonting, Cesar Montano, Vince Hizon, at asawang Patricia Bermudez Hizon, Daisy Reyes, L.A Tenorio atbp..

Sinabi ni Chairman Artes na masaya siya 

dahil sa suporta ng mga artista at producers 

sa kauna-unahang  Celebrity Golf Tournament na parte rin ng promotion  ng 10 pelikulang kasama sa 50th Metro Manila Film Festival.

Isa sa producer na dumalo si Bryan Diamante ng Mentorque Productions para sa pelikulang Uninvited.

Nagsilbing host naman noong gabi si Enchong Dee (ng Topakk handog ng Nathan Studios), at ang Reo Brothers band naman ang special guest.

Pinasalamata ni ChairmanArtes ang mga sponsor nila sa kanilang project tulad ng GSIS, PAGCOR, PCSO, ISWIMS, Phileco, Agyaman Smoked Meats, Angkasangga Partylist, Boysen, Cignal, CMB, Converge, CWS Partylist, Easy Life, Haws Health and Wellness Shop, InfiniVan, Infobahn, Insuplus, Leonel Waste Management, Manila Teachers Partylist, Maynilad, Mowelfund, Playtime, PowerUp, Remedi, Shantal’s Beauty and Wellness Products, STX CleanLeaf, TV5, Woodfields Consultant Inc., at Yakult.


Samantala, mapapanood ang 10 pelikulang kasama sa 50th Metro Manila Film Festival simula sa December 25 hanggang January 7, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …