Thursday , April 10 2025
Medicine Gamot FDA BIR BoC DTI

Gamot para sa cancer, diabetes, at mental health, aalisin na ang buwis — FDA

UPANG maging abot kaya sa mga pasyente, inianunsiyo ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pag-alis ng buwis sa mga gamot para sa cancer, diabetes, at mental health.

Naaayon ang aksiyon sa Section 12 ng RA 11534 o Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, na nabibigyan ng exemption sa Value Added Tax (VAT) ang mga piling gamot na lunas sa iba’t ibang mga karamdaman.

Ayon sa Implementing Guidelines ng Value-Added Tax (VAT) Exemption para sa iba pang mga produktong pangkalusugan, nakasaad sa joint administrative order ng ahensiya na magkakabisa ang mga pagbabagong ito sa oras na maglabas ang FDA ng opisyal na advisory na ipapasa ng ahensiya sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BoC), at Department of Trade and Industry (DTI) para ito ay ipatupad.

Nitong Lunes, 25 Nobyembre, opisyal nang inilabas ng DFA ang kanilang pinalawig na listahan kasama ang mga sumusunod na gamot sa Cancer: Degarelix 80 mg, 120 mg, Tremelimumab 25 mg/1.25 mL (20 mg/mL), at Tremelimumab 300 mg/15 mL (20 mg/mL).

Para naman Diabetes: Sitagliptin 25 mg, Sitagliptin (bilang  hydrochloride) + Metformin Hydrochloride 50 mg/1 g, Sitagliptin (bilang hydrochloride) + Metformin Hydrochloride (50 mg/850 mg), Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 25 mg, Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 50 mg, Sitagliptin (bilang Hydrochloride) 100 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride monohydrate) 25 mg, Sitagliptin (bilang hydrochloride monohydrate) 50 mg, at Linagliptin 5 mg.

Habang sa gamot mga gamot para sa Mental health: Clomipramine Hydrochloride 25 mg, Chlorpromazine (bilang hydrochloride) 200 mg, at Midazolam 15 mg.

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda George Royeca Angkasangga Partylist

Vice Ganda ‘napasagot’ ng Angkasangga Partylist

MARAMING partylist ang nanligaw para sa endorsement ni Unkabogable Star Vice Ganda, ngunit tinanggihan niya ang mga …

Vilma Santos

Batangas gov bet pinagpapaliwanag sa ‘laos’ remark laban kay Vilma 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY lang ang kampanya sa Batangas ni Vilma Santos–Recto kahit may nagsasabing laos na …

Bulacan Police PNP

‘Boy Tattoo’ tiklo sa gun ban

rapist, carnapper nasakote rin INARESTO ng pulisya ang isang lalaking lumabag sa Omnibus Election Code …

Shamcey Supsup Ara Mina

Shamcey kumalas sa partido; Ara tahimik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City. Bunsod ito …

Vilma Santos

Plataporma ang ilatag at ‘di pambabatikos

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WALANG ipinagkaiba ang abogado na taga-Pasig kay Jay Ilagan ng Batangas na nanlait …