Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Enola Mithi Julia Barretto Hold Me Close

Carlo sa anak na si Mithi — hold me close

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKAPAG-CATCH UP up sina Carlo Aquino at Julia Barretto habang ginagawa ang pelikulang Hold Me Close na entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival.

Hindi pa ikinakasal sina Carlo at Charlie Dizon noong nag-shoot sina Carlo at Julia sa Japan.

Lahad ni Carlo, “Catch up lang, kasi nga noong time na ginawa namin ‘yung ‘Expensive Candy,’ hindi pa ako kasal.

“Ngayon lang uli kami nagkita na married na ako. So itinatanong niya lang, how’s your married life?

“Noon namang shooting ng ‘Hold Me Close,’ kumustahan, kinukumusta ko si Ge [Gerald Anderson] dahil nakatrabaho ko si Ge.

“Tapos si April [tunay na pangalan ni Charlie] kinukumusta rin niya.”

Ang Hold Me Close ay idinirehe ni Jason Paul Laxamana at mapapanood sa mga sinehan simula December 25.

Ito ay kuwento ni Lynlyn, isang babaeng may kakaibang psychic ability at si Carlo naman ay ang lead male character sa pelikula bilang si Woody.

Samantala, sa tanong kay Carlo kung sino ang nais niyang sabihan ng mga katagang “hold me close,”emosyonal na sinabi ni Carlo na, “‘Yung daughter ko, yeah, si Mithi.”

Si Enola Mithi o Mithi ay ang four-year old na anak nina Carlo at dati niyang partner na si Trina Candoza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …