ni Ed de Leon
MATINDI ang tsismis, gusto raw hiwalayan ng isang dating male sexy star ang kanyang asawa.
Actually pinakasalan niya iyon dahil sa paniwalang dadalhin siya niyon sa Japan para pareho silang makapag-trabaho roon. Pero na-reject siya, dahil ang asawa pala niya ay may naunang pinakasalang iba at wala namang naipakitang Cenomar, kaya lumalabas na hindi valid ang kanilang kasal. Ang isa pang matinding reklamo ng dating male sexy star, ginagawa raw siyang parang boytoy lang ng kanyang asawa. Ayaw niyong magtrabaho siya. Kaya umaasa lamang siya roon, pero ginagawa naman siyang parang boytoy lamang.
Ang matindi, nagpunta ang dating male sexy star sa isang showbiz gay na dati rin niyang nakarelasyon, at gusto niyang tumira muna sa bahay ng bading habang wala pa siyang nakukuhang trabaho. Hindi naman pumayag ang bading dahil natatakot siyang eskandaluhin ng mataray na misis ng sexy male star, at saka dahil may boiyfriend na siyang bagets.
Medyo forgets na rin kasi ang dating male sexy star.