Tuesday , November 19 2024
Chelsea Manalo Victoria Kjær Theilig

Chelsea Manalo itinanghal na Miss Universe Asia; Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig Miss Universe 2024

HINDI man pinalad makapasok sa Top 12 at maiuwi ng pambato ng Pilipinas ang Miss Universe 2024crown na si Chelsea Manalo, itinanghal naman siyang kauna-unahang Miss Universe Asia ng international pageant.

Kahapon, marami ang nag-abang sa Miss Universe coronation night na ginawa sa Arena CDMX, Mexico City. At mula sa 30 finalists na pinalad makapasok ang Pilipinas hindi naman ito nagtagumpay makapasok sa Top 12 matapos makipagtagisan sa galing rumampa ng evening gown.

Pasok sa Top 12 ang Bolivia—Juliana Barrientos; Mexico- Maria Fernanda Beltran; Venezuela – Ileana Marquez; Argentina – Magali Benejam; Puerto Rico – Jennifer Colin; Nigeria – Chidimma Adetshina; Russia – Valentina Alekseeva; Chile – Emilia Dides; Thailand – Opal Suchata Chuangsri;Denmark – Victoria Kjær Theilvig; Canada – Ashley Callingbull; at Peru – Tatiana Calmell.

Ang mga hurado o miyembro ng selection committee sa Miss Universe 2024 ay binubuo nina Dubai-based Filipino designer Michael Cinco, women empowerment advocate Gabriela Gonzalez, art collector Gary Nader, Austrian entrepreneur Eva Cavalli, star builder Emilio EstefanMiss Universe Canada 2020 Nova Stevens, Colombian actress Fariana, at celebrity dentist Camila Guiribitey.

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang nagsilbing commentator, habang nagbalik si international actor Mario Lopez bilang pageant host.

Nakuha rin ng Pilipinas ang Best Host Tour Country sa preliminary show. At sa lahat ng bansang binisita ng reigning queen na si Sheynnis Palacios, ibinigay ng Miss Universe Organization (MUO) sa Pilipinas ang titulong Best Host.

Sa kabilang banda, si Chelsea mismo ang nagbalita sa kanyang Instagram sa pagkatanghal sa kanya bilang Miss Universe Asia.

Aniya, “We are making history as first Miss Universe Asia.”

Miss Universe Americas naman angPeru, Miss Universe Africa ang Nigeria at Oceania, at Finland ang nakakuha ng titulong Miss Universe Europe and Middle East.

Si Miss Denmark,  Victoria Kjær Theilvig ang itinanghal naMiss Universe 2024, 1st runner-up si Miss Nigeria Chidimma Adetshina habang 2nd runner-up si Miss Mexico Maria Fernanda Beltran.

Third runner-up si Miss Thailand Opal Suchata Chuangsri at 4th runner up si Miss Venezuela Ileana Marquez.

Si Miss Universe Victoria ang unang magsusuot ng “Lumière de l’Infini” o “Light of Infinity” crown na obra ng mga manggagawang Pinoy. Ang bonggang disenyo ay mula sa pambihirang South Sea Pearls ng karagatan ng Palawan. Gawa ito ng Jewelmer, ang luxury jewelry brand mula sa Pilipinas na kilala sa buong mundo.  Ginamit nila ang “cultured south sea pearls” na ang golden hue nito ay “rarest in the world.”

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Lustre Nokturno

Folk horror movie ni Nadine sa streaming app muna mapapanood 

I-FLEXni Jun Nardo NAGKAROON ng special screening kamakailan ang pelikulang Nokturno na si Nadine Lustre ang bida at idinirehe …

Xian Gaza Ai Ai delas Alas

Payo ni Xian kay Ai Ai may halong panunudyo

HATAWANni Ed de Leon MAY halong panunudyo pa rin ang payo ng blogger na si Xian …

Topakk

Mga barako sa Topakk nagkaiyakan sa cast screening

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA naman kami ng kuwento ni Sylvia Sanchez na nagka-iyakan ang mga …

Mark Anthony Fernandez

Mark Anthony Fernandez inamin sex video na kumalat

HATAWANni Ed de Leon FINALLY, nagsalita na rin si Mark Anthony Fernandez tungkol sa kanyang kontrobersiyal na …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Dating male sexy star gustong hiwalayan asawang itinuring siyang boytoy

ni Ed de Leon MATINDI ang tsismis, gusto raw hiwalayan ng isang dating male sexy star ang …