IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at Chairman ng KSMBPI Anti Fake News Task Force Inc. nang mabalitaan niyang balak ni Sen Robin Padilla at Philippine Coast Gaurd (PCG) na gumawa rin ng isang pelikula ukol sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea (WPS).
“We are very happy with this development from the side of our good Senator and the PCG. We all should join forces so we can tell by any means the entire Filipino nation the truth about the real narrative of the Philippines on the issue of the West Philippine Sea (WPS) so we can fight the Fake News that China is wrongly propagating against the Philippines at the WPS in their Cognitive Warfare Operations against the Filipino interest,” ani Aragon.
“Kailangan nating gisingin ang patriotic at nationalistic heart ng bawat Filipino tungkol sa katotohanan na atin ang WPS at dapat lahat tayong mga Pinoy ay magkaisa para tulungan ang ating gobyerno na labanan ang pangbu-bully at fake news ng China sa WPS” dagdag pa ni Aragon.
“Maliban sa ‘WPS’ series na sa kasalukuyang ipinalalabas sa DZRH TV at DZRH radio sinisimulan na rin namin mag-shoot ng ‘WPS the Movie’ na balak namin maging entry sa December 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF). Kaya hinihikayat namin sana ang iba pang mga producer ng mga pelikula, TV at radio shows at social media content creators na gumawa na rin ng mga project on WPS para maging daan ito ng tamang impormasyon ng mga Filipino sa totoong nagaganap sa WPS,” giit pa ng Executive Producer ng WPS the series.
Ang WPS TV at Radio series ay nagsimulang lumabas at umere noong Nobyembre 5, 2024 sa DZRH TV and DZRH radio.