Tuesday , April 29 2025
Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng kaniyang pamangkin gamit ang kawayan sa gitna ng kanilang pagtatalo, sa Brgy. Bantaoay, bayan ng San Isidro, lalawigan ng Ilocos Sur, nitong Martes ng gabi, 12 Nobyembre.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mario Rebullo, 55 anyos, na sumugod umano nang lasing sa bahay ng suspek na kinilalang si Eddie Rebullo, 42 anyos, at hinamon ang huli na lumabas at makipaglaban sa kaniya.

Hindi nagtagal, nagtungo si Eddie sa bahay ng kaniyang tiyuhin saka tatlong beses na hinampas ang ulo ng biktima gamit ang kawayan na dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.

Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa loob ng kaniyang bahay nitong Miyerkoles ng umaga, 13 Nobyembre.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matunton at maaresto ang suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …