Friday , November 15 2024
Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang pamangkin lokohin ang kaniyang biktima na padalhan siya ng pera at mga regalo.

Ayon sa ulat na inilabas ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) nitong Miyerkoles, 13 Nobyembre, gumawa ng Facebook account si “Tita” gamit ang pangalan ng kaniyang 17-anyos na pamangking babae at nakipag-chat sa isang 70-anyos na tindero ng karne sa bayan ng San Manuel, lalawigan ng Tarlac.

Inuto umano ng suspek na makipagrelasyon nang lihim sa kaniya ang biktima na tumagal ng higit sa isang taon kung saan napilit niya ang huli na magpadala sa kaniya ng pera at mga regalo na umabot sa halos P1 milyon.

Sa ika-18 kaarawan ng pamangkin,  muling nanghingi si “Tita” ng per sa biktima para umano sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

Nang maghinala ang biktima, binisita niya ang karelason sa kanilang bahay at natuklasang lahat ng mga regalong pinadala niya ay na kay “Tita.”

Dahil dito, magkasamang nagsampa ng reklamo laban sa suspek ang biktima at kaniyang pamangkin sa Central Luzon unit ng PNP ACG.

Nadakip si “Tita” San Manuel, Tarlac dakong 10:35 ng umaga nitong Martes, 12 Nobyembre.

Sinampahan siya ng kasong computer-related identity theft sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.

Hindi nagbigay ng iba pang detalye ang PNP ACG sa tunay na pagkakakilanlan ni “Tita.”

Sa kanilang pahayag, sinabi ni ACG officer-in-charge P/Col. Vina Guzman na hindi hindi lahat ng nakikita sa social media ay totoo.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …