Thursday , November 21 2024
Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga content creator na protektahan ang mga kabataan laban sa mapanganib na palabas sa gitna ng mabilis na pagbabago sa daigdig ng media at pelikula.

Sa kanyang talumpati kamakailan sa 2024 Annual Conference ng International Institute of Communication (IIC) sa Bangkok, Thailand, sinabi ni Sotto-Antonio na, “ang kalayaan ay may kalakip na malaking responsibilidad.”

Ipinaalala niya ang posibleng pinsala sa murang kaisipan ng mga bata o sa reputasyon ng isang tao ng mga hindi kontroladong palabas.

“Gusto naming matiyak na protektado at hindi nalalabag ang karapatan ng bawat Filipino,”  giit ni Lala. “Mahalagang maprotektahan ang kabataan mula sa mga palabas na hindi dumaan sa masusing rebyu ng MTRCB.”

Sinabi rin ni Lala na hindi lang dapat basta gumagawa ng pelikula para makasira.

“Ang malayang paglikha na tinatamasa natin ngayon ay may kaakibat na malaking responsibilidad,” sabi ni Sotto-Antonio. “Nauunawaan namin na mahigpit ang kompetisyon sa industriya ng paglikha, pero dapat nating gamitin ang kalayaan na ito  ng may malalim na paggalang sa mga pangunahing karapatan ng tao.”

Ang mga pahayag na ito ni Sotto-Antonio ay kasunod ng pagdalo ng MTRCB delegation sa Bangkok, Thailand, noong Nobyembre 4-7, 2024,

Kasama sa biyahe ni Chair Lala sina MTRCB Board Members Eloisa Matias at Dr. Lillian Ng-Gui,  Atty. Anna Mindalano ng MTRCB Legal Affairs Division.

Nakilahok ang delegasyon sa talakayan hinggil sa Artificial Intelligence, low-earth orbit satellite technology, at digital government.

Kailangan ang pakikipagtulungan ng mga platform holders sa oras na mayroong reklamo sa kanilang sariling plataporma,” sabi ni Sotto-Antonio.  “Gaya ng natutunan namin sa AVIA, dapat nilang isama ang sistemang ‘safety by design,’” sabi pa ni Sotto-Antonio.

Idinagdag pa ni Chair Lala na may ginagamit na feedback system ang MTRCB para matiyak ang pananagutan ng mga content platforms sa Pilipinas.

Ibinunyag din niya na aktibong nakikiisa ang MTRCB sa pagsusulong sa kongreso na mapalawak ang huridikasyon ng ahensiya sa regulasyon ng mga digital streaming services.

Wala sa 1986 Charter ng MTRCB ang mandato pagdating sa kontrol ng online platforms.

Gayunman, binigyang-diin ni Sotto-Antonio na ang pangunahing mandato ng MTRCB ay hindi ang mag-censor, kundi paigtingin pa ang pagbalanse ng kalayaan sa pamamahayag at ang kapakanan ng pamilyang Filipino lalo ang kabataan.

Mayroon kaming tinatawag na ‘X’ rating para sa materyal na talagang labag sa ispiritu ng Presidential Decree 1986.

“Pero, ang aming pangunahing mga rating — G, PG, R-13, R-16, at R-18 — ay ang palagian naming ibinibigay bilang takda ng aming Charter PD 1986,” wika pa.

Tumanggap ng papuri ang programa ng MTRCB na Responsableng Panonood (RP) at may ilang bansa ang nagpakita ng interes na gayahin ito.

About hataw tabloid

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …