Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa lungsod ng Zamboanga, nitong Lunes, 11 Nobyembre.

Nasakote ang tatlong driver ng truck at isang pahinante sa ikinasang oeprasyon sa Baradero de Cawit shipyard, sa nabanggit na lungsod.

Natagpuan ng mga awtoridad ang dalawang truck na may kargang hindi bababa sa 900 sako ng asukal.

Kahaharapin ng mga suspek ang mga kasong paglabag sa RA 10611 o Food Safety Act of 2013, at RA 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. 

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng nasamsam na kontrabando sa operasyong pinangunahan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Special Operations Unit- RID 9 (SOU-RID 9) sa pakikipagtulungan ng Zamboanga CPS 9.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …