Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average rating) sa 17 Nobyembre 2024, 11:00 am sa Robinsons Galleria, Ortigas Avenue sa Quezon City.

Makakamit ng champion team ang P15,000 plus trophy, medals, tatlong mobile phones na nagkakahalaga ng P48,000 at P15,000 gems mula sa Kalaro Esports.

Ang second placer ay makakukuha ng P20,000 plus trophy at P7,500 gems mula sa Kalaro Esports; third placer ay makatatanggap ng P10,000 plus trophy at P3,000 gems mula sa Kalaro Esports; fourth placer ay mag-uuwi ng P8,000; habang ang fifth placer ay magbubulsa ng P6,000.

Ang ikaanim hanggang ika-7 puwesto ay mag-uuwi ng tig-P4,000 habang ang ikawalo hanggang ika-10 puwesto ay mag-uuwi ng tig-P3,000.

Ang mga espesyal na parangal ay makatatanggap ng tig-P1,000 para sa Top Board 1, Top Board 2 at Top Board 3 habang P3,000 para sa Top 1900 Team sa ibaba sa isang araw na event na sinuportahan ni Sen. Manny Pacquiao sa pakikipagtulungan nina MPBL partylist nominee Mr. Ronwald Munsayac, Founder at President ng Kalaro Mr. June D. Lasco, at tournament director Mr. John Salcedo.

“We are excited to invite you to participate in the 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatluhan team tournament (2000 average rating) gets underway on November 17, 2024,” sabi ni tournament director Mr. John Salcedo.

Kabilang sa mga kalahok na koponan ay ang QPCPA TEAM A-B, Little Scout Chess Club, Chua Team, Top Secret, Team Destroyer, Team Xandrex, AJA 2.0, Gullan and friends, Ubus na kayo team, Sekretong Malupit,Last Minute Team, Dumadag Team A-D ,Father and Son, Cubao Attackers, Tiratira A-C, Team Orfanel A-C, Rook Stars, at Jolly Smile Dental Clinic.

Tumawag mag-text sa mobile number: 0977-286-8494. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …