Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia ABS-CBN

Joshua ‘gutom’ pa rin sa pag-arte — Hindi pa ako satisfied, ‘di pa ako puno

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay Joshua Garcia matapos muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN, natanong siya kung ano-ano ang ipinagpapasalamat niya sa loob ng 10 taon sa showbiz.

Sabi ni Joshua, “Ang isa sa ipinagpasalamat ko ay marami akong nakatrabaho na beterano na aktress at aktor.

“Sila ‘yung nagtuturo sa akin kung paano dapat makihalubilo sa mga tao, hindi lang basta sa mga artista. Importante rin ‘yung may relationship ka sa production, sa crew.”

Sina Sylvia Sanchez at Dimples Romana ang dalawa sa mga artistang nakatrabaho niya na sinasabi niyang may malaking influence sa kanya kung paano dapat makisama sa ibang tao.

Rito  ay nabanggit din ni Joshua ang relationship niya sa kanyang mga fan, “Tapos how to handle the fans, kasi of course, may times na nagsu-shoot kami, nandoon sila, nanonood.

“Pwede mo sila pagbigyan pero pagkatapos na ng shoot, pero dapat pagbigyan mo,” aniya pa.

Samantala, natanong din si Joshua kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanyang younger self.

Magtiwala ka lang sa mga decision mo kasi ‘yung pagtitiwala mo sa mga decision mo, dadalhin ka sa mas magandang lugar.

“‘Yun lang din ‘yung ginawa ko noong buong journey ko eh, nagtiwala lang ako sa decisions ko, nagtiwala lang ako sa gut feel ko.

“Ang daming decision making sa trabaho na ito, kung tatanggapin mo or ito ba ‘yung gagawin mo.”

Tungkol naman sa mga pumupuri sa pagiging magaling niyang aktor, ang sabi ni Joshua, napakarami pa niyang gustong gawin at mapatunayan pagdating sa pag-arte.

“Kasi ako mismo hindi ako satisfied, ‘di pa ako puno. Nandoon pa rin ‘yung gutom ko.

“May bagong nilu-look forward, may bagong goal na sana makagawa rin ako ng ganito, sana makaarte rin ako ng ganitong kagaling.

“May ganoon ako lalo na sobrang competitive ko sa lahat ng bagay,” sabi pa ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …