Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ellen Adarna Derek Ramsay Elias Baby

Binyag sa baby girl nina Derek at Ellen paghahandaan na

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

CONGRATULATIONS naman ang ating pagbati kina Ellen Adarna at papa Derek Ramsay dahil mayroon ng bunga ang kanilang pagiging husband and wife.

Although mukha ngang hindi naging ganoon kaingay ang pagbubuntis ni Ellen after itong magkaroon ng miscarriage in one of their trips noon sa Spain. Mauunawaan namang ‘pag-secure sa safety’ ng kanyang mag-ina ang ginawa nina papa Derek at pamilya.

Isang bouncing baby girl na ngayon ay kinagigiliwan ni Elias ang nagpapasaya sa tahanan nina papa Derek at Ellen pati na ng mga mauunawain nilang supporters.

Nakakaloka nga lang si Ellen dahil sa hitsura nito ngayon, hindi mo aakalaing nanganak. Much more, ay may dalawa na itong mga anak sa ganda at seksi pa rin.

Ang latest naming nasagap mula sa isang family friend nila ay paghahandaan daw ng couple ang pagpapa-binyag sa baby nila. Hindi pa ito soon dahil gusto nilang medyo nakaka-usap na at may mga reflexes na once gawin nila ang binyagan.

May mga Christmas plans na rin sila at kasama na rito ang pag-introduce sa newborn sa kanilang immediate families at closest friends.

At kahit recently daw ay sobrang nangamba si papa Derek sa nangyari sa kanyang ina na naaksidente at nagre-recover na, masayang-masaya ito sa mag-ina niyang Ellen at baby girl.

Naku, may mga bilin na siya kay Elias (anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz) kung paano itong dapat maging good big brother sa kapatid,” ang masaya ring tsika ng aming kausap.

Again,congratulations!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …